HINDI napaki-usapan ni Ninang Cherry ang Principal sa Carmelo University. Hindi sila pumayag na ibalik ako dahil may sinusunod na rules and regulations ang school at kasama doon ang pag suspinde sa mga lumalabag sa batas ng school. Suspended ako ng 2 weeks! "Mom, Dad. May gagawin kaming research ngayon at mas gusto ng mga ka-group ko na dito kami sa bahay gumawa." Nabaling ang isip ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali. It was Aragon. Mukhang may group research sila. Naririnig ko ang boses niya mula sa Garden. Tatlong araw na ang lumipas, tatlong araw na hindi man lang ako kinausap ni Aragon. Para sa kanya, isa lamang akong hangin na dinadaan-daanan. Pasimple akong sumilip mula sa bintana upang hindi nila mahalata ang presensya ko. Umupo sila sa nakapabilog na upuan sa round tab

