Ngumisi ako ng bahagya. “Kuya Aragon?” tawag ko sa kaniya. Wala akong natanggap na tugon. Fine. Kung ayaw mong magsalita, ako na ang kikilos. Dahan-dahan akong lumapit para tumabi sa kaniya. Hindi ako tumalikod, nakaharap ako sa kaniya. Pinagmasdan ko siya sandali. Walang pagbabago. Gwapo pa rin. Nakakainis pa rin. Unti-unti akong gumalaw palapit sa kaniya hanggang sa halos magdikit na ang mga braso namin. Wala pa rin siyang reaksyon. “Kuya Aragon…” mahina kong tawag. Walang sagot. Tulog na ba? O nagpapanggap? Bahagya akong ngumiti. Mas mabuti. Dahan-dahan kong inilapit ang sarili ko hanggang sa tumabi ako nang tuluyan sa kaniya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya kahit may manipis na pagitan lang ng hangin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero hindi

