CHAPTER 16

3778 Words
KASALUKUYAN akong nasa loob ng kotse at hinihintay si Aragon na nasa loob pa ng bahay, daig pa ang babae mag-ayos. Sabay kaming papasok ni Aragon kaya hindi ako kakabahan sa unang klase. Ang sabi ko dati, hindi ako magkokolehiyo pero dahil nangako ako sa mga magulang ko na aayusin ko ang buhay ko, kailangan ko iyon tuparin para maging proud sila sa akin. Ayokong nasa langit na lang sila’t lahat, inaalala pa rin nila ang magiging future ko. Alam kong nagpupursige sila sa pagtatrabaho para sa akin, malaki ang naipon nila sa bangko at lahat iyon under my name. Nasa tamang edad na daw ako to take over the family business, but I lacked the knowledge necessary to do so. I will strive to learn everything I need to in order to preserve my parents' legacy. Itutuon ko muna ang atensyon ko sa pangarap na gusto ng mga magulang ko para sa akin. “Kinakabahan ka na ba?” Pinukaw ni Aragon ang nangangarap kong diwa. Sumakay na pala siya, hindi ko napansin. Sila ang kabahan sa akin. Choss! “Bakit ako kakabahan? Sanay ako sa bagong environment.” Matapang kong sagot sa kanya. Tumawa nang mahina si Aragon. “Always remember, wala tayo sa Maynila na puwedeng pagtakpan ang kasalanan mong nagawa. Probinsya ‘to. Behave in a manner that is appropriate for a woman, all right?" Huminga ako nang malalim. “Katulad ng sinabi ko kagabi. Dipende.” Aragon securely fastened my seatbelt as he got in the driver's seat, while I was in the passenger seat. Ang sabi niya, hatid sundo daw niya ako dahil pareho kami ng University na papasukan. Ibig lang ‘nun sabihin, palagi kami magkasama. Sana wala si Luna, sana sa iba siya nag-aaral. “Olive, walang gagalaw sa’yo dito. Basta magpakabait ka lang at bawasan ang pagiging matigas ang ulo.” “Oo na.” Napipilitan kong tugon. As if naman na kaya kong manahimik lang? Maikli lang ang pasensya ko! Aragon called me by uttering my name, "Olive," and I responded to him by casting my gaze upon him. He kept his eyes on the road while driving the car. “Hmm…” “Having just one true friend is all that matters.” Panimula niya. “Gusto kong magkaroon ka kahit isang kaibigan. Pag nangyari ‘yon, next week tuturuan kita mag-bike at gagawa tayo ng kubo malapit sa farm. Gusto mo ‘yon, ‘di ba? Iyon ang hiniling mo sa akin.” Nanlaki ang mga mata ko. “Totoo?! Promise ‘yan?” Eksaherada kong tanong. “Kailan ba ako nangako na hindi ko tinupad?” Kunwaring nag-isip ako bago sumagot na ikinatawa niya. “Wala pa naman.” “Basta, ipakilala mo sa akin. Kikilatisin natin.” Aniya. Napangiti ako sa concern na nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi kiligin. Tingin ko, crush ko na si Aragon. What?! Ano ba ang iniisip ko? Huling akong nainlove, pinagtripan lang ako kahit ang ganda ko naman. Dahil ‘yon sa mga brat na kaibigan ko dati. “We are here.” anunsyo ni Aragon. Nabalik ako sa reyalidad at automatiko ang tingin ko sa unahan at totoong narito na kami sa university. This is it! Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ni Aragon. Paglabas ko ng kotse, may nakita ako na may pangilan-ngilan na mga studyante ang naglalakad papasok ng malaking university. Iniisip ko kung sino kaya ang magiging kaibigan ko dito? Handa ba ako? Kaya ko ba lumapit at makipag-ngitian sa iba? Haler! Kay Aragon nga ang bilis ko maging komportable, sa kapwa ko pa kaya babae? Walang uniform na required sa unang linggo ng klase. Kaya karamihan sa nakikita ko ngayon, mga nakasuot ng crop top at ripped jeans na kulang na lang labas kaluluwa na. Carmelo University. Ito ang pangalan ng University. “Olive. Alam muna kung saan ang room, ‘di ba?” Tumango ako. “Hindi mo ako sasamahan?” “Natatakot ka ba sa unang-” “Hindi, ah!” Giit ko. “Sige na, Kuya Aragon. I-park mo na iyang kotse mo.” Ngumiti si Aragon. “Good luck.” Pinalitan ko nang pag-ngiwi ang sinabi niya. “Yeah. Good luck to me.” Hinanap ko ang room number ko. Sinabi ‘nung orientation ang room number ng bawat studyante. Nang makita ko ang room number 106 sa ‘di kalayuan ng kinatatayuan ko, mas binilisan ko ang paglalakad. When I finally reached the doorway of the room, I breathed in deeply. My only thought was to study hard and do my best so that my parents would be proud of me in heaven. Mom, Dad. Para po sa inyo ‘to. Titigilan ko na ang sarili ko maging brat at b***h sa abot ng aking pasensya, este makakaya. Nang buksan ko ang pintuan, bumungad ang mga studyante na busy sa kani-kanilang kausap. May circle of friends agad? Ang hirap naman nito, paano ako makikipagkaibigan? E, ako lang ‘yata ang lonely rito. Wish me luck, Aragon! Kahit isang kaibigan lang, come on. Sana may lumapit! Tahimik akong umupo sa upuan na may apelyido ko. Aha! May kanya-kanya kasing upuan ang bawat studyante at minarkahan iyon ng apelyido para walang agawan. Gusto ko ‘yan, walang agawan. Nakikiramdam ako sa paligid ko. Putcha! Kailan pa ba ako nagkaroon ng pakialam sa paligid ko, huh? Sobrang desperada ako hindi iyon dahil sa gusto ko ng kaibigan, kundi dahil kay Aragon. Kung hindi lang nangako si Aragon sa akin, baka wala akong iniisip ngayon. Hays! “Hello. Anong pangalan mo?” Ayun! Hindi ko alam kung paano ako ngingiti. Pero nakuha ko rin naman ngumiti, hindi nga lang totoong ngiti. Ang plastic ko, ‘di ba? Ang panget hindi bagay sa akin! “Hello! Ako si Olive Perez.” Pinasigla ko talaga ang boses ko. Matamis na ngiti ang salubong niya sa akin. “Uhm. Puwede mo ba ako samahan sa banyo? Ayaw kasi nila akong samahan.” Sinundan ko ng tingin ang itinuro niyang grupo ng mga espasol. Espasol sa kapal ng make up. Sa ngalan ng kabaitan, sapian mo ako. “Sure!” Hindi nagtagal ay sumagot rin ako. As we walked down the corridor towards the restroom, she engaged me in conversation about her day, her plans for the future, and her hopes and dreams. Ako naman panay lang ang pagtango at ngiti na hindi ko mawari kung saan ba nanggagaling. Kiana pala ang pangalan niya. Kiana Vazquez. Pumasok na si Kiana sa cubicle at dahil medyo malayo ang nilakbay namin, nakaramdam na rin ako ng ihi kaya pumasok ako sa walang taong cubicle. Habang umiihi ako, I heard the sound of the door being opened and shut twice. Nang pumasok kami sa restroom, dalawa lang kami ni Kiana. Pero wala akong marinig na yabag mula sa labas. “Kiana?” Tawag ko sa pangalan ni Kiana. No response. “Kiana? Nandiyan ka pa ba?” Still no response. Naghugas na ako pagkatapos ay lumabas ng cubicle. Fuck! I couldn't help but cuss internally as I tried to open the restroom door and realized that Kiana had shut it on me. Damn it! Unang klase pa lang, ako na ang pinagtripan? Aba! Hindi ako papayag! Hindi ako si Olive Perez na hahayaan na ginagago lang. Hintayin mo lang ako plastic, gaganti ako sa’yo. “Tulong!” I yelled as loud as I possibly could. Maya-maya narinig ko ang pagbukas ng restroom. Oh, god! “May tao dito! Paki-open!” May pumihit ng doorknob, tanda na may nagbubukas ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng restroom, bumungad si Luna na may ngiting naka-plasta sa mukha niya. “Welcome to Carmelo University, Olive Perez.” Pagbati niya kasabay niyon ang pagtabig niya sa akin nang dumaan siya. “Oh, by the way, masarap ba sa banyo? Bakit ka nag-stay dito?” Kapagkuwan ay mapang-asar niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Uminit agad ang ulo ko sa klase ng ngiti niya at kung tingnan niya ako mula ulo hanggang paa ay pakiramdam ko sobrang saya niya na pawis na pawis ako sa loob ng restroom! “Ikaw ang may pakana nito.” Kalmado kong sabi. “Wohh!” Tinakpan niya ang bibig na akala mo’y nagulat. “Bakit ako?” Ngumisi ako. “Huwag mo akong sagarin, Luna.” Unti-unting nawala ang ngisi ko at napalitan iyon ng matiim na titig bago ako nag-walk out. f**k it! Akala ko pa naman hindi ko makikita ang pagmumukha ng gaga na iyon! May pakalat-kalat pa lang plastic sa unibersidad na ‘to! “Why are you late, Miss Perez?” Tanong kaagad ng prof na nasa unahan. Tumungo ako. “I’m sorry ma’am-” “Prof, kasama ko po siya kanina sa restroom.” Putol ni Kiana sa sasabihin ko. Impakta ka! “Then?” Naghintay ng sagot ang Prof. “Sabi po niya mauna na ako. Baka po masakit ang tiyan ni Olive at kailangan pa magbawas kaya po natagalan siya. Pasensya na po kayo sa kaibigan ko.” Nagtawanan ang ibang studyante habang nakatingin sa akin na parang may katawa-tawa. Pinagdiinan talaga niya ang salitang kaibigan. Paawa ang mukha niya, hindi ako magtataka kung isa siyang kasapi sa grupo ng mga plastic na katulad ni Luna. Sigurado akong inutusan ni Luna ang peste na ‘to. Kaibigan my ass! “Are you okay, Miss Perez?” Tanong ni Prof Any sa akin. Ngumiti ako kay ma’am. “I’m fine, ma’am.” Tumango si Ma’am at saka sumenyas na pumasok na ako. Pagkaupo na pagkaupo ko, masama ang tingin na binalingan ko si Kiana at mas lalong kumulo ang dugo ko nang makitang labas gilagid ang ngiti niya. Sit tight for what I am about to do in return. Do you feel like playing? If so, I'll join in, Kiana. Magsama kayo ni Luna. Mabilis natapos ang klase dahil naubos ang oras sa introduce yourself. ‘Nung ako na ang magpapakilala, syempre ginago ako ni Kiana at hindi ako ‘yung tipo ng tao na pababayaan ang gumagago sa akin. Introduce yourself. Briefly discuss the subject. Discussion about the rules and regulations. Then break time. Nang mag-breaktime na ay hindi ko na hinintay ang ibang studyante na maunang lumabas tulad nang dati kong gawi, bagkus ay lumabas na ako dahil may pinaghahandaan akong magandang pasabog. Kasalukuyan na akong nasa cafeteria ngayon at inaasahan kong walang lalapit sa table ko para saluhan ako. Hanggang dito ba naman sa probinsya kinamumuhian ako? Argh! Nakarating rin ba dito na troublemaker ako sa Maynila? ‘Di bale, unang araw pa lang naman. Marami pang araw para makipag-plastikan. Bakit kasi kailangan pa ng kaibigan? Kung kaya ko naman mag-isa. Paano ako magkakaroon ng kaibigan kung mga hipokrita ang nakikilala ko? Makakain na nga lang! Habang kumakain, panay ang tingin ko sa paligid. Hindi ko pa nakikita si Aragon, siguro iba ang oras ng breaktime nila. Hindi na ako sanay kumain na walang kasabay parang wala tuloy akong gana. “Oh, hello, bitch.” Napalingon ako kay Kiana. Boses pa lang niyang pabebe kilala ko na. Hays. “Excuse me, what did you just call me?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Is there an issue if I called you 'b***h'? E, totoo naman, ‘di ba?” The pabebe girl is here. Wait for my revenge! Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, well. Pareho lang naman tayo, ‘di ba?” Umirap sa hangin ang gaga at nilampasan ang table na inuukupa ko. Buti naman umalis na siya dahil kundi baka mapatulan ko siya. Malapit na maubos ang tinitimpi kong pasensya, huwag niya akong sagarin at pag naubos ako papatulan ko na talaga ang lokaret na ‘to. Tinapos ko na lang agad ang pagkain ko para makabalik na ako sa room. Akmang tatayo ako nang biglang dumaan ang isa sa kasamahan ni Kiana at pinatid ang paa ko dahilan kaya tumapon ang dala kong coffee shake sa uniform ko. “Oh, myghad! I’m really sorry.” Maarte niyang hingi ng pasensya pero halata naman sa mukha niya na sinadya niya iyon. Imbis na magpaapekto, nginitian ko siya. “It’s okay. Naiintindihan ko talaga ang mga clumsy na katulad mo.” Pagkasabi ko niyon nilampasan ko na siya at taas noo na lumakad palabas ng coffee shop. Subalit bago pa man ako makalabas nang tuluyan may humigit ng buhok ko pabalik at paglingon ko nakita ko ‘yung babaeng dahilan kung bakit ako ngayon nanlalagkit ng dahil sa coffee shake. “Sino ang clumsy na sinasabi mo, huh?” Matapang nitong tanong. Walang buhay na tinitigan ko siya. “Naghahanap ka ba talaga ng gulo?” Tumawa ang babae. “Lalaban ka ba?” Ginaya ko ang tawa niyang pabebe at matapang na tumingin sa kanya. “Ano pang hinihintay mo? Tara na.” Ako pa hinamon? “Halika rito!” Sigaw ko. Akmang lalapit siya sa akin ng hilahin ko ang damit niya at sinabunutan ko siya. ‘Nung una nilalabanan pa niya ako pero hindi nagtagal hinayaan niya akong sabunutan lang siya at sa hindi ko malamang kadahilanan bigla na lang umawat si Luna sa aming dalawa. Bakit nandito si Luna? Anong ginagawa niya rito? “Olive!” Napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. It was from Aragon. “Aragon…” Naibulong ko na lang sa sarili ko. “Olive, bakit ka nakikipag-away?” Tanong ni Aragon nang makalapit siya. Biglang naging maamong tupa ang mukha ng babaeng kasabunutan ko nang tiningnan ko siya at nasa tabi niya si Luna. “Aragon, pinigilan ko na si Olive pero ayaw niya magpaawat.” Sabat ni Luna. What? Anong pinagsasabi niya? “H-hindi ko naman sinasadyang matapunan ang damit niya ng coffee shake, humingi ako ng tawad pero ayaw niya akong pakinggan.” Segunda ng babae na kanina lang ay todo makasabunot sa akin! “Hey! Sinunangaling ka, ah!” Hindi na ako makatiis at sumabat na ako dahil napaka-sinungaling ng mga ito. “Sinadya mong matapunan ang uniform ko!” “Olive, enough!” Suway ni Aragon sa akin. “So, naniniwala ka sa kanila?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Aragon. “Olive-” “Okay.” Putol ko sa sasabihin ni Aragon. “Sige, ako na ang may kasalanan.” Tiningnan ko muna nang masama si Luna at ang kasamahan niya bago ako tuluyang lumabas ng coffee shop. “Olive!” Tinawag pa ako ni Aragon ng mga ilang beses pero hindi ko iyon pinansin. Dumiretso ako sa restroom para magpalit. Mabuti na lang at may pamalit akong dinala kundi hanggang uwian amoy coffee shake ako. Matapos ang kalahating oras ng break time. Nagbalikan na kami sa loob ng room. "Nice shirt. Doraemon." Komento ni Kiana, kasama niya ang babae na kasabunutan ko kanina. Hindi ko pinansin ang tawanan nila. Hindi na ako makakapayag na gaguhin nila ako. I'm sorry, Mom and Dad. Huli na 'to, pagtapos ng revenge ko hindi na ako sasangkot sa trouble. Kasalukuyang nagtuturo ang Prof namin sa Math. Nang magpaalam si Kiana na mag-restroom lang daw sila at dahil nga medyo may pagka-masungit ang prof namin hindi siya pinagayan na magsama ng isa. Kinuha ko ang mahalagang gagamitin ko para sa revenge. "Ma'am, May I go out?" Magalang kong paalam sa prof. Taas ang kilay na humarap ito sa akin. "Go, bilisan mo lang." Yes! Tinanguan ko ang prof at mabilis na lumabas ng room upang tumungo sa restroom. Pagpasok na pagpasok ko ng restroom, nakita ko si Kiana na nakaharap sa malaking salamin sa restroom, naglalagay siya ng lipstick sa labi. Tinabihan ko siya. "Oh, my new fake friend. Nandito ka pa rin?" Humarap siya sa akin. "Ano ba ang pakialam mo–" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita niya ang inilabas kong gunting mula sa bulsa ko. Nasaksihan ko kung paano siya nagulat. "A-anong gagawin mo diyan sa gunting?" Halata sa boses niya ang kaba at takot. Ngumiti ako. "Oh, bakit parang kinakabahan ka?" Lumunok siya. "Kailangan ko na bumalik ng room." Bago pa siya tuluyang makalabas ng banyo, hinigit ko ang buhok niya at ginupit ko ang kalahati ng laylayan. Nagtitili naman siya. Nakakarindi ang boses niyang matinis! Lumagpak ang buhok niya sa tiles at saka ko binulsa ang gunting. "What on earth have you done to my hair?!" She almost cried. I couldn't help but chuckle as I saw her expression. "Sorry. Ikaw ang nag-utos sa kasama mo na tapunan ako, 'di ba? Alam ko dahil aliporis ka ni Luna. Sa bawat utos na ibibigay mo sa mga aliporis mo. Sa'yo ko ibabalik. Pakisabi pala kay Luna, isusunod ko siya… Kaya tantanan na ninyo ako!" Bulalas ko at iniwan si Kiana na nagtitili sa loob ng restroom. "Olive, nakita mo ba si Kiana?" Tanong ng Prof sa akin ng makabalik ako sa upuan ko. I shrugged. "Nauna pa po sa akin si Kiana magpaalam, 'di ba? Hindi ko po siya nakita sa restroom, e." Inosente kong sagot kay Ma'am. Ilang sandali pa ang nagdaan ng dumating si Kiana at masama na masama ang aura niya. May luha rin ang mga mata niya dahilan kaya nagkalat ang maskara na nasa pilik-mata niya. She looks like a panda. Haha! "What happened to you, Kiana?" Tanong ni prof. Masama na tumingin sa akin si Kiana. "Ma'am! Irereklamo ko po si Olive sa guidance office! Ipapatawag ko po ang Mommy at Daddy ko!" Ang hilig maghanap ng away, hindi naman pala kayang panindigan? The crying baby! Binalingan ako ng Prof. "Olive, ano ang ginawa mo?" Inosente pa rin ang aura ko. "Ma'am, wala po akong ginagawa kay Kiana. Hindi ko nga po siya nakita sa restroom, e." Huminga ng malalim ang prof at pinagpalit-palit ang tingin sa aming dalawa ni Kiana. "Class dismissed! Olive and Kiana, you two come with me to the guidance office. Ipapatawag ko ang mga guardian ninyo! Now!" Bulyaw ni Ma'am sa amin. *** "IPINATAWAG 'ho namin kayo dahil itong si Kiana Vasquez ay nagsusumbong na si Olive Perez daw ang gumupit ng buhok niya." Paliwanag ng guidance counselor na si Ma’am Lopez. Nandito kami ngayon sa loob ng Principal office. Nakaupo sa kabilang side ng mahabang sofa ang mga magulang ni Kiana at si Kiana. Samantalang ako naman ay katabi ko si Ninang sa pang-isahang sofa. "Kayo 'ho ang guardian ni Olive, tama po ba Mrs. Hudson?" Tanong ng guidance counselor kay Ninang Cherry. Tumango si Ninang. "Ako nga 'ho." "Mrs. Hudson, nagrereklamo 'ho kasi ang mga magulang ni Kiana tungkol sa nangyaring pag-gupit ni Olive sa kanyang buhok." Tiningnan ako ni Ninang. "Olive, ikaw ba ang may gawa 'nun?" Kapagkuwan ay tanong ni Ninang. Paano ako aamin nito?! Ako ang magiging masama kapag umamim ako. Binalingan ko si Kiana bago ako magsalita. "Ninang, wala akong ginagawang masama." Giit ko kay Ninang. Mukhang nakumbinsi naman si Ninang Cherry. "Uhm, pagpasensyahan na ninyo itong inaanak ko. Wala na siyang mga magulang, halos kamamatay lang-" "We don't care! Magrereklamo pa rin kami. Hindi 'yan napalaki ng maayos kaya ganyan! Walang pasensya-pasensya sa amin. Anak namin ang naagribyado dito. Paano ba 'yan pinalaki ng mga magulang–" "Puwede po ba na huwag na banggitin pa ang mga magulang ko? Hindi mo kailangan isisi sa mga magulang ko ang nangyari sa Anak ninyo!" Bulalas ko. "Olive…" Pabulong na suway ni Ninang dahil sa inasal ko. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng Nanay ni Kiana. Akala mo kung sinong perpektong Ina! "Bastos kang bata–" "Hindi 'ho kasi naman ninyo kailangan idamay ang mga magulang niya rito." Pagtatanggol ni Ninang Cherry sa akin. "Anong hindi? Bakit ikaw ba nagpalaki sa batang 'yan para sabihin mong huwag idamay ang mga magulang–" "Tama na 'ho!" Pigil ng guidance counselor at huminga ng malalim bago tumingin sa gawi ko. "Let us bring this conversation to an end, apologizing to one another, Olive and Kiana." "What?! No way! Wala nama akong ginagawang masama sa kanya kaya bakit ko kailangan humingi ng tawad?" Maarteng pagtutol ni Kiana. Napapangiwi ako sa mga katwiran at kasinungalingan niya. Hindi ako ang mauunang humingi ng tawad! "Apologize to each other or else, pareho ko kayong i-sususpend sa klase." Nang walang nauna sa aming humingi ng tawad tumayo ang counselor. "Mawalang galang na 'ho mga guardian." Panimula nito at saka malakas na ibinagsak ang hawak na envelope. "Ano, Olive and Kiana? Magmamatigas kayong dalawa?" Nagulat kami sa ginawa ng guidance counselor. "I'm sorry, Olive." Pangunguna ni Kiana pero alam kong labas sa ilong ang paghingi niya ng tawad. Pinigilan ko ang sarili ko na magalit sa kanya. "I'm sorry rin." "Ayan, ganyan! Sana hindi na ito maulit pa. Hindi ko na kayo dapat makita pa ulit sa office na ito, maliwanag ba?" Tanong ni Ma’am Lopez. Tiningnan namin ni Kiana ang isa't-isa at nakikita ko ang nanlilisik niyang mga mata. Sabi na, e. Puro ka-plastikan lang ang pagkatao ng babaeng ‘to. "Yes po…" Sagot namin pareho. "Good! Thank you, Mrs. Hudson and Mrs. Vasquez." Sabay na tumango si Ninang at ang Nanay ni Kiana. *** MATAPOS ang plastikang naganap sa loob ng Principal office, nasa kotse ako ngayon kung saan si Aragon ang nagdi-driver. Pareho kaming walang imik. Hindi ko alam kung kikibo ba ako, o huwag na lang. Hanggang sa pag-uwi hindi niya kinausap kaya ganoon din ako. Mataas pride ko! Lalo na kung ako ang nasa tama. Kahit naman anong paliwanag ko hindi siya maniniwala. Si Luna lang naman ang pinaniniwalaan niya. Bakit ako mag-aaksaya ng panahong magpaliwanag nang paulit-ulit. "Olive." Nilingon ko si Aragon. Sa wakas! "Bakit?" Sagot ko na kunwaring wala ako sa mood. "Alam kong nasa guidance office kayo kanina. Kasama mo si Mom, right?" Tumango ako. "Alam mo bang ngayon lang pumasok si Mom sa guidance office?" "Oh, ngayon?" Walang buhay kong tugon. Humawak si Aragon sa sintido niya tanda na naiinis siya. "Come on, Olive. Hindi mo ba naisip na sa ilang taon akong nag-aral hindi ko binigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang ko?" Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Aragon dahil pakiramdam ko ipinamumukha niya sa akin na sakit ako sa ulo. "Olive, alam kong kamamatay lang ng mga magulang mo, pero sana tigilan muna ang masangkot sa gulo. Ginawa ko ang lahat para damayan ka–" "Hindi ko naman sinabi, o hiniling sa'yo na damayan mo ako." Hindi makapaniwala si Aragon sa naging sagot ko. "Excuse me, Kuya Aragon." Tuluyan na akong umakyat sa kuwarto ko upang magpalit ng damit. Ayoko na makipagtalo pa kay Aragon. Baka masaktan ko lang siya kapag nagpatuloy ang bangayan namin. Mahirap magpaliwanag sa taong isa lang ang pinapanigan at pinakikinggan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD