CHAPTER 15

1975 Words
“OLIVE?” “Olive?!” Biglang may umakbay sa akin kaya muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Kunot-noo kong inalam kung sino ang pangahas na katabi ko. Bigla akong natauhan nang makitang si Christian iyon. Akala ko guni-guni ko lang na may tumatawag sa akin. Nakita ko na naman ang playboy na ‘to. Hays. “Anong ginagawa mo dito? Panira ka ng moment.” Pagrereklamo ko. Magkasama kami ni Aragon kanina pero nagpaalam siya na may pupuntahan lang daw siya saglit. Namamasyal kami ngayon sa malawak na dagat na malapit lang rin sa bahay nila Aragon. Ang sabi niya gagawa daw kami ng kubo at manonood ng fireworks para mag-celebrate ng Niyugyugan Festival at ang venue ay sa dagat. “Kailan mo ba ako sasagutin?” Mapang-asar na tanong nito. Hindi ko pinansin ang sinabi ng mokong na ‘to. Napairap ako sa hangin. “Ano ba! Ang bigat-bigat ng braso mo! Alisin mo nga iyan!” Malakas na ipiniksi ko ang braso niya na naka-akbay sa balikat ko at naiinis na naglakad palapit sa tubig. “Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako nandito?” Pangungulit ni Christian at sinundan pa ako sa may tubig. I sat on the beach with my toes caressed by the gentle waves of the sea. Bakit ba ang daming dama ng lalaking ‘to? “Bakit ka nga ba nandito?” Pagbigyan natin. "Actually, Luna and Dave are with me." Panimula nito. “Nauna lang ako dahil ang tagal nila. Sinundo nga ni Aragon ang dalawang ‘yon sa may b****a diyan-” “Ano?!” I was unable to control my reaction. “Akala ko ba ang sabi niya sa akin, dalawa lang kami ang mamamasyal dito?” Christian sat down beside me. "Brat, it's a Festival today so obviously we are also here to enjoy ourselves and celebrate. Magkikita at magkikita tayo.” Kainis! Masisira na naman ang araw ko ng dahil sa hipokritang Luna. Argh! Padabog na tumayo ako. Ayokong makasama ang plastic na si Luna! Baka may gawain na naman ‘yon, tapos ako ang lalabas na mali kapag pinatulan ko. Palibhasa kasi pabebe girl! “Saan ka pupunta?” Napaligon ako sa gawi kung saan nanggaling ang boses na iyon. At hindi ako nagkamali, kasama na naman ni Aragon si Luna na linta at si Dave. I have to keep my distance - trouble is like a magnet to me, and judging by Luna's smile, I'm pretty sure that getting closer isn't going to help! "I'm asking you, Olive." Aragon's voice was serious. Umirap muna ako bago magsalita. “Uuwi na lang ako.” Bago pa man ako tuluyang makalakad paalis, napigilan na ako sa braso ni Aragon at hinila paharap sa kanya. He's got a stern look on his face. I'm aware that he's mad about my attitude again. But can he blame me for not wanting to be with that fake Luna? “Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung ganyan ang ipapakita mo?” Pinapangaralan na naman niya ako. Hindi ko naman siya kapatid! “Having you, Kuya Aragon, is all I need - I don't need any other friends.” Humawak si Aragon sa sintido niya tanda na nagpipigil sa akin. “Olive, hindi habang buhay nasa tabi mo ako. Kailangan mo rin ng ibang sasandalan.” Paano kung gusto ko ng habang-buhay? Nakita ko kung paano ako siniringan ni Luna ng palihim. Gusto ko sana siyang kastiguhin pero kailangan ko magpigil. Ayoko magalit na naman si Aragon sa akin ng dahil kay buhildang Luna. Hindi siya ang sisira sa closeness namin ni Aragon. Hindi ako ang klase ng babae na pumapayag na agawin ang dapat sa akin. Bakit sa’yo ba si Aragon? Pesteng isip ‘to sumasagot pa! “Bahala kayo diyan-” “Olive.” Nag-init ang ulo ko ng marinig ang bait-baitan na boses ni Luna. Tiningnan ko siya ng walang buhay. “Problema mo?” Lumapit siya sa gawi ni Aragon at tumapat sa akin. “Friends?” Sabay abot niya ng kamay sa akin. Yaks! Gusto niya makipag-shake hands sa akin? Friends daw? Ang plastic mo! Hindi niya ako madadaan sa ka-plastikan niya. Alam ko ang budhi niya at hindi ako tanga para hindi ‘yon mapansin. Kanina nakailang siring siya sa akin sa tuwing walang nakatingin sa kanya. "Olive, I sincerely apologize for what happened yesterday. Hindi ko alam na mainit pala ang ulo mo sa akin dahil nagseselos ka sa amin ni Aragon.” “What?!” Nagtaas ang boses ko. “Are you for real?” Tumawa si Luna na akala mo anghel. “I’m just kidding. Bati na tayo, please? Gusto ko makipagkaibigan sa’yo, pero mukhang ayaw mo naman.” Huminga ako ng malalim at saka ngumiti. Ngiting peke, kasing peke ng ugali niya. “Luna, ayoko makipagkaibigan sa’yo.” Direct to the point na ‘yon, baka hindi pa niya maintindihan? “Ang sakit mo naman.” Bulong niya. Ngumiwi ako. “Aalis na ako-” “Olive.” Mariin ang pagkabigkas ni Aragon sa pangalan ko tanda na galit siya sa akin. “Apologize to Luna.” “Ayoko nga!” Bulalas ko. At bakit ako hihingi ng tawad? Ano si Luna, sinusuwerte? “It wouldn't be right if only she said sorry; both of you should apologize to one another. Para fair, mag-sorry ulit kayo sa isa't-isa.” Aragon insisted. “I’m really sorry, Olive.” Luna's voice was grating and irritating. Many people regarded her as an angelic being, yet her true nature was hidden beneath the surface. She was cunning and manipulative, and her true motives were often unclear. “Come on, girls. Magbati na kayo para mag-enjoy tayo mamaya.” Segunda ni Dave, mukhang may gusto siya kay Luna. Oh, well, palagi naman siyang dikit nang dikit kay Luna! “Olive. It’s your turn.” Pamimilit ni Aragon. Calm down, Olive. “Para sa ikatatahimik ninyo.” Kinuha ko ang kamay ni Luna habang may pekeng ngiti na naka-plasta sa labi ko. “Shake hands. Sorry.” Pagkasabi ko niyon pabalagbag kong hinigit ang kamay ko. “I don't think you're really sorry.” Komento ni Luna. “Alam mo ikaw-” “That's enough,” Aragon interjected. “Let's head to the barbecue, it's on me.” Sasagutin ko na sana si Luna, e. Bakit ba palagi akong pinipigilan ni Aragon? Dahil ba ayaw niyang sabihan ko ng mga masasakit na salita ang babaeng ‘to? Sino ba kasi siya sa buhay ni Aragon? Nagpalakad-lakad kami habang dinadama ang simoy ng hangin. Naiinis man ako, wala naman akong magagawa kundi ang makisama. Hiniling ni Aragon sa akin na makisama para daw masanay ako at magkaroon ng maraming kaibigan. Ayoko ng kaibigan. Siya lang naman ang pinagkatiwalaan ko nang ganito. ‘Nung sabihin niyang hindi habang buhay, nasa tabi ko siya, gumuho ako dahil alam ko ang katotohanan na magkakaroon siya ng sarili niyang buhay na hindi ako kasama. Puwede pa naman mangyari ‘yon… “Olive…” Napasinghap ako ng bumulong si Christian sa tenga ko. “Alam mo, scary ka talaga.” Sabi ko sa kanya. Mahina siyang tumawa at saka itinuro ang gawi ni Aragon at Luna. “Kaya ka nauunahan ni Luna. Ang bagal mo kasi.” Makahulugan niyang sabi. Itinulak ko siya palayo sa akin. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” “Kunwari ka pa. Alam ko naman na gusto mo si Aragon.” Pagdidiretso niya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto ko nga ba si Aragon? Gusto kong matawa sa sarili kong tanong. Palagi niya akong pinapangiti. Mga panahong lugmok ako sa lungot, siya ang naging sandalan ko, inaalagaan niya ako na para akong isang mahalagang babae para sa kanya. He has never left my side. He continuously looks out for me to make sure I'm alright. When I asked him to join me for a meal, he was more than happy to comply, and said he had no intention of leaving me. “Palagi kang tulala. Are you okay?” Ginising ni Christian ang diwa ko. Huminga ako nang malalim, kasing lalim ng iniisip ko. “I’m fine.” “Guys, tara. Manood tayo ng fireworks.” Pag-aaya ni Dave. Madilim na pala ang kalangitan, hindi ko man lang napansin. Kumain kami at naglakad-lakad habang nagkukwentuhan sila, yeah. Sila lang dahil may sarili akong mundo, pero ginugulo ni Christian ang mundo ko. Panay ang tanong at kausap sa akin! Hindi naman siya ang gusto kong kausap! “Anong oras na?” Kapagkuwan ay tanong ni Aragon. “6:50 PM.” Si Luna na epal ang sumagot. Ang sabi ng mga organizer ng festival 7:00pm daw ang fireworks. “10 minutes before mag-start ang fireworks.” Sinegundahan naman ni Christian iyon. Sabay-sabay kaming naupo sa buhanginan para maghintay sa fireworks. Habang nakatingin sa kalangitan, hindi ko maiwasang maisip si Mom at Dad, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Isang buwan na ang lumipas pero sariwa pa rin ang sakit at pangungulila na nararamdaman ko. Kinakaya ko lang dahil nandiyan si Ninang, Ninong at Aragon, pati na sina Tita Doris at Tito Nelson. Sila ang dahilan kung bakit lumalaban pa rin ako sa buhay kahit durog na durog ang puso ko. “Olive…” Napabaling ako sa tumawag sa akin. Hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala si Aragon, nakaupo siya katabi ko habang may pag-aalala na nakatingin sa akin. Hindi ko namalayan dahil ang katabi ko kanina ay walang iba kundi ang makulit na si Christian. “What's the matter? Is it because you're missing them?” Tanong ni Aragon. Pati pagluha ko hindi ko namamalayan. Hindi pa sasabihin ni Aragon na lumuluha na ako, hindi ko pa malalaman. Pinunasan ko kaagad ang luhang tumutulo sa mga mata ko at ngumiti na parang hindi ako nasasaktan. “Ayos lang ako, Kuya Aragon. Strong kaya ako at saka, nagsasaya tayo ngayon. Just don’t mind me.” Sabi ko na lang. “Don't worry, we won't leave you.” Sabi ni Aragon. “Talaga?” Tumango-tango siya. “Basta magiging good girl ka lang.” Ngumuso ako. “May kondisyon talaga?” Tinap niya ang ulo ko. “Of course. Sinasabi ko naman ‘yon hindi para sa akin, o para sa iba, kundi para sa’yo. Kaya bawas-bawasan mo ang pagiging brat mo, okay?” “Dipende.” Bulong ko. “Wait, nasaan si Luna?” Kapagkuwan ay tanong ko. Tumingin si Aragon sa kalangitan. “Hinatid ni Dave pauwi. May importante daw kasi siyang pupuntahan.” Buti naman. Huwag na siyang babalik. Bumalik ang sigla ko nang tatlo na lang kami. Ako si Aragon at si Christian. Pinaggigitnaan ako ni Aragon at Christian. Hindi nagtagal, nag-annouce na ang organizer at sabay-sabay na nagbilang ang tao. “1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, and 10! Happy Niyugyugan Festival!” Sabay-sabay na sigaw ng mga tao. Sayang wala si Ninang at Ninong. Busy kasi sila kaya hindi nakasama sa amin. Kami na lang daw. The sky is lit up by a sea of fireworks, as people celebrate the festival. Ang ganda ng kulay at nakakagaan ng loob habang pinapanood namin ang fireworks. I rested my head on Aragon's shoulder, and fiddled with his hand as if I were a little kid. I was delighted to have him accompany me on this occasion. Wish ko… Sana, hindi umalis sa tabi ko si Aragon. Parang bata na mas isiniksik ko ang ulo sa balikat ni Aragon. Nilalaro ko pa rin ang mga daliri niya habang nanonood kami ng fireworks. Hindi alintana sa kanya ang pagdikit ko. Siguro kasi sobrang close na namin at komportable sa isa't-isa. "Itinuturing ka kasi niyang nakababatang kapatid." Anang sabi ng kabilang parte ng isip ko. Paano kung ayoko? Iba ang nararamdaman ko kay Aragon. Alam kong iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD