~Kiel~ "He doesn't want to come," ang imporma ni Klient sa amin habang naiiling. Ilang beses na niyang sinusubukang tawagan si Noah pero dini-decline ng gag* ang bawat call. Ayaw paistorbo . Talagang desididong humabol sa amin. Wala sa loob na napangisi ako't napailing. Well, naiintindihan naman namin siya. He'd been waiting for her for how many years? Two to three years? Tinago niya sa amin. Noong una ay wala kaming kaide-ideya na may binabalikan ito sa kaniyang isla. Napansin na lang namin na parang daig pa nito ang mga nagbibinta kung kiligin. Madalas nasa cellphone lang ang buo nitong atensyon, ngumingiti na parang tanga. And I've been there, ganoon ako noon sa tuwing ka-chat ko ang asawa ko. Well, hanggang ngayon pa rin naman, lalo na kapag nasa opisina ako. Hindi p

