~Audrey Lui~ Dalawang araw lamang kaming nanatili sa isla nito. Pang-anim na araw ko nang kasama si Noah. Nang sabihin nito na aalis kami. Pinaghanda niya ako ng ilang pirasong damit at ilang personal na gamit. Baka do'n na daw kami matulog. Pati siya ay pinaghanda ko na rin. Napapangiti ako habang maayos na nilalagay isa-isa sa isang maliit na maleta ang mga gamit naming dalawa. Ang gandang tignan para sa akin ang mga gamit naming magkasama... Like, a real couple does. Dadalo kami sa imbistasyon ng isa niyang kaibigan sa private beach resort ng mga ito sa Bataan. Baka daw magkayayaan ng matinding inuman at dôon na kami makatulog. Mahigit dalawang oras din ang naging biyahe namin. Bahagya pa akong nakaidlip sa biyahe. Marahan naman niya akong ginising sa pamamagitan ng masuy

