"Bye, Honey," paalam ko sa kanya nang lumabas na siya sa kwarto namin. Maaga siyang aalis ngayon dahil may ka-meeting siya. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Magkikita kasi kami ngayon ni Klei. May nalaman na raw siya tungkol kay Dessery. Pagkatapos doon ay nagsuot ako ng preskong dress at nag-flat shoes. Pagkalabas ko sa kwarto ay nadatnan ko sa sala ang babae. Nanonood siya habang kumakain ng prutas. May fresh juice rin sa tabi niya. Siguradong si Kurt ang gumawa. Tinapunan lang niya ako ng tingin at bumalik na ulit sa panonood. Kinuha niya ang kanyang phone at nagtipa. Tila meron siyang tinetext. Pumara ako ng taxi pagkababa ko. Sa cafe ulit kami magkikita ni Klei. Ni text ko siya na papunta na ako. Tinanong ko pa nga siya kanina kung hindi ba siya busy. Baka naman kasi sobra na

