Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Bigla kasing sumakit ang pakiramdam ni Dessery kaya naman agad siyang inantabayanan ni Kurt. Habang naghuhugas ay pangitingiti pa rin ako. Excited na kasi talaga akong buksan ang laman ng envelope na iyon. Pero paano ko iyon titignan mamaya kung naroon si Kurt. Gusto ko kasi na ako muna ang makakaalam ng katotohanan. Isa pa't baka magtaka siya kung paano ako nakakuha ng mga impormasyon. Hindi naman niya alam na tinutulungan ako ni Klei. At kapag nalaman niya na nakakausap ko ang lalaki ay baka magalit na naman siya at magselos. Sasabihin ko naman sa kanya ang totoo kapag nalaman ko na ang laman ng envelope. Nilagay ko na sa lalagyanan ang mga hinugasan ko. Pinunasan ko ang kamay ko sa hand towel doon. Uminom muna ako ng tubig ba

