Bumaba na kami sa kotse at sabay na naglakad papasok. "Kailan mo pa ito binili?" pagtatanong ko habang naglalakad pa rin kami. "I am really planning for us to move. Na isip kong lalaki pa ang pamilya natin kaya siguro mas mainam na lumipat tayo. After two months ko pa dapat ito makukuha talaga. Ngunit pinabilis ko ang proseso para magkasana na tayo ulit." Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan. Pagkapasok ay na pa 'wow' na lang ako. Katulad nang sinabi ko kanina ay talaga ngang maganda ito sa loob. "Wala pang masyadong gamit," saad niya. Binitawan ko ang kamay niya at umupo sa may sofa roon,"Sabay tayong pumili ng mga gamit para sa bahay natin." Ngumiti siya at umupo rin sa tabi ko,"Nagustuhan mo ba?" Tumango ako,"Oo naman." "Gusto mo bang pumunta sa taas pa

