Nagising ako na nasa hospital na. Sinalubong ng aking paningin si Fea. Dali-dali itong lumapit sa akin. "Sa wakas gising ka na!" tila naiiyak niyang sambit. Magsasalita na sana ako ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Napansin niya iyon kaya naman kumuha siya ng tubig sa may side table at pinainom sa akin iyon. Nang makapag-adjust ako ay nagsimula na akong magtanong-tanong. "Buti nalang talaga at naisipan kong puntahan kayong dalawa ni Kurt. Kung hindi ay baka nagtagal kapa roon at baka mapano kapa." "Ikaw ang nagdala sa akin dito?" Dismayado akong malaman na hindi talaga ako binalikan ng lalaki. Nang maalala ko ang nangyari ay nataranta ako at napahawak sa aking tiyan. "Fea," naiiyak kong tawag sa kanya. Agad naman niya akong tinapunan ng tingin. Hinawakan ko ang tiyan ko at

