"If you tell the truth, you don't have to remember anything." – Mark Twain
Kanina pa pinagmamasdan ni Neil ang kaibigan na nakatulala sa kawalan. Hindi pa niya nararanasan, pero alam niyang hindi biro ang mawalan—una, ng anak, pagkatapos ay ng asawa. Kilala niya si Elijah na malakas, matapang, at matatag na tao. Positibo itong tao at dahil matagal na silang magkaibigan, alam din niya na pinalaki ito nina Tita Ellen at Tito Eliam na malapit sa Diyos.
Ngunit sabi nga nila, kahit na ang pinakamatatag na puno ay maaaring mabuwal sa malakas na bagyo. At kung minsan, nakikita niyang tila gusto nang mabuwal ng kaibigan, tila ba sumama na ito sa mag-ina nitong nawala.
Napapailing na ilapitan niya ito. Nakaupo na ito sa bench at katatapos lang nilang mag-work out. Inaya niya ito para naman malibang ito. Nitong mga nakaraang araw ay palagi lang itong wala sa sarili, umiinom, nagpapakapagod at umiinom uli hanggang sa makatulog. Mabuti na lang at hindi ito nagkakaproblema sa station.
“P’re, tulala ka na naman,” puna ni Neil sa kaibigan sabay tapik sa balikat ni Elijah bago umupo sa upuang nasa harap nito.
Sinulyapan lang siya nito bago ibinalik ang tingin sa kung saan.
“May iniisip lang,” mahina at wala sa huwisyong ani Elijah.
“Nag-iisip ka na naman. Huwag ka muna kasing mag-isip.” Napapakamot na lang si Neil. Kung minsan kasi ay nauubusan na siya nang ipapayo sa kabigan. Inabot na lang niya ang bote ng tubig niya.
“Pumunta ako kahapon sa sementeryo.” Wala sa loob na pagkukwento ni Elijah na naging dahilan para bigla siyang mapatingin dito.
“Talaga?” Hindi niya maiwasang hindi matuwa lalo pa isang malaking bagay na nagkalakas-loob na ito para puntahan ang libingan ng asawa't anak.
Simula ng araw na mailibing si Yannie ay hindi na ito tumuntong pa ng sementeryo. Hindi man lang din ito pumunta nang ika-40 days ni Yannie.
“Oo, kahapon ng tanghali,” tugon nito na tila ba hindi ito makapaniwala sa nagawa.
“Mabuti kung ganoon.” Natutuwa siya pero hindi niya maiwasang hindi mag-isip ng kung ano. “Teka lang, pare, baka naman…” Hindi niya itinuloy ang sinasabi bago nagdududang tiningnan ang kaibigan.
Sinamaan siya nito nang tingin at ibinato sa kaniya ang maliit na towel. Umayos ito ng upo bago kumuha ng tubig. “Wala akong balak na kung ano. Iyang imahinasyon mo gumagana na naman.”
“Masaya akong kahit papaano ay nakikita kong nagsisimula ka muli pero hindi mo maaalis sa aking mag-isip ng kung ano. Pero paano? Ibig kung sabihin, anong naisip mo at nagpunta ka bigla?” tanong niya bago lumagok ng tubig.
“Naisip ko lang nang makausap ko si Hairah,” mahina nitong sagot, sobrang hina pero sapat na para marinig niya.
Nakatingin siya dito habang nagsasalita ito pero dahil sa sinabi nito ay hindi niya napigilang masamid. Pakiramdam niya ay pumasok lahat ng tubig sa loob ng ilong niya. Umubo siya ng umubo habang ang kamay ay humawak sa lalamunan.
Shete!
“Hoy, p’re, okay ka lang ba?” Dinig niyang tanong ni Elijah.
Hinagot niya ang lalamunan. Hanep, masakit pala masamid.
Nang maramdaman niyang okay okay na siya ay diretsa niya itong tiningnan. “Ulitin mo nga ang sinabi mo,” bulalas niya dito.
Nag-isang linya ang kilay nito sa noo bago ito naman ang uminom ng tubig.
“Nagpunta ka ng sementeryo pagkatapos mong makausap si Hairah?” tanong niya pero walang tugon mula dito. Kita niya sa mukha nitong tila nililimi nito ang mga sinabi at ginawa. “Ibig sabihin nagkita kayo ni Hairah kahapon?” usisa pa niya.
Tanong iyon pero sa naging tono niya ay tila naging akusasyon iyon.
“Hindi sinasadya ang lahat. Nagkita lang kami sa Jollibee kahapon, nagkakwentuhan, at habang magkausap kami ay naisip ko na lang na puntahan ang libingan ni Yannie.” Malamig ang tinig nito habang nagpapaliwanag. Lalo nang banggitin nito ang pangalan ng asawa. “At alam mo kung anong malala?” Tiningnan siya nito na para bang may naggawa itong napakalaking kasalanan.
“Ano?” Isinara na niya ang bote ng tubig baka mamaya kung ano pang madinig niya mula sa kaibigan ay maisaboy na niya dito ang tubig.
“I asked her to come with me.”
At siya? Napanganga siya dito. Nanlaki ang mga mata niya at pakiramdam niya’y dumoble ang laki ng ulo niya. “Seryoso?”
“Yep,” he simply said. Tumayo ito at sinimulang ligpitin ang gamit. “I asked her na kung maaari ay samahan niya ako sa sementeryo,” patuloy ito sa pagsasalita habang inaayos ang gamit.
Matiim niyang tinitigan ang kaibigan. Hindi niya alam kung anong iisipin dito.
“At sinamahan ka naman niya.” Hindi iyon patanong dahil alam na niya ang sagot. Sa ilang beses lang nilang pagkikita ng dalaga at ayon sa mga kwento ni Elijah, likas dito ang pagiging mabait. Bukas-palad at laging handang makinig kay Elijah at sa mga hinaing nito. Noong una’y okay lang dahil tila malaking tulong kay Elijah ang pakikipag-usap dito pero may hindi sila alam na alam niya.
Bumalik ang atensiyon niya kay Elijah na tumango sa sinabi niya. Hindi niya alam kung anong dapat isipin sa kaibigan. At mukhang hindi na maganda ang iniisip niya dahil unti-unti na siyang nawawalan ng kontrol sa sarili.
“She’s nice,” Elijah whispered as he stood.
“Yeah and sweet.” Hindi maiwasan niyang maging sarcastic.
Hindi nakalingid ang tono niya sa kaibigan dahil nilingon siya nito.
“At isang simple pero magandang dalaga,” dugtong pa niya.
Kumunot ang noo nito. “Ano bang gusto mong iparating?” tanong nito.
“Napag-usapan na natin ito dati di’ba?”
“Oo nga pero alam mo naman na wala kaming ginagawang masama. Higit kanino man ikaw ang nakakaalam.” Nagsisimula nang tumigas ang paraan nito nang pagsasalita.
“Oo alam ko. Pero sa mata nila—"
“Sa mata nila! Bakit ba kailangang isipin ang iniisip at sasabihin ng tao?” Dama niya ang inis sa tinig ng kaibigan at hindi iyon itinago ng mukha nito.
Wala sa loob na naihilamos niya ang palad sa mukha. “Alam mo bang nakarating kay Yannie ang naging pagkikita niyo ni Hairah? To be exact, ang lahat ng panahon at pagkakataon na nagkikita kayo.”
Nakita niyang natigilan ito pero nagawa pa rin nitong magsalita. “Don’t make it sounds that I’m having an affair with Hairah while Yannie was ill.” He could feel the bitterness and rage in his voice.
“Look, Elijah...” Damn his big mouth.
“At anong alam ni Yannie? Anong sinabi mo sa kaniya?” Nagsisimula nang magalit ang kaibigan niya at isang masamang senyales iyon. Elijah’s a calm person, but a terrific man when he’s mad.
Mabilis na nilingon niya ang paligid dahil sa biglang paglakas ng tinig ng kaibigan. “Wag tayo ditong mag-usap,” mahinahon niyang wika.
“I am asking you,” he hissed.
“I’ll tell you all but not here.” Pilit niyang pinakakalma ang sarili habang inililigid pa rin ang tingin sa paligid. Nakatingin na sa kanila ang ibang mga nag-gi-gym. “hindi natin gugustuhin parehas na nasa opisina tayo ni chief bukas.”
Mukhang napansin din ito ng kaibigan kaya bahagyang kumalma ito. Ngunit dama pa rin niya ang galit nito. Pagkatapos kuhanin ang mga gamit ay lumabas sila ng gym.
Bakit ba ang daldal niya?
*****
Elijah and Neil were both sitting at the bench outside the gym. Both of them were silent. No one wanted to talk or maybe they're already lost words to say.
“I’m sorry, kung ngayon ko lang sinabi. I promised to Yannie. Sasabihin ko naman sa’yo pero hindi ko alam kung paano. Hanggang sa tuluyan ng namaalam si Yannie. Mabilis na ang sumunod na mga pangyayari,” paliwanag ni Neil. Pilit niyang nililimi ang mga sinabi nito. Hindi niya masasabing nauunawaan niya ito pero hindi niya din masisisi ito.
“Is Yannie hurting?” Masakit sa kaniyang malaman na all along na nahihirapan ang asawa niya sa sakit ay nagdudulot din siya ng higit pang sakit sa puso nito.
“No. I never saw her. Maliban na lang marahil kung umaatake ang sakit niya. Pero kung magtatanong lang siya ng tungkol sa inyo ni Hairah. I never saw any hint of sadness. Hindi ko alam kung itinatago niya lang iyon. But you know her, she’s a terrible liar.”
Nakuyom niya ang palad. Pakiramdam niya ay ang bobo niya. Pakiramdam niya ay napakalaki ng kasalanan niya sa asawa.
“Marahil, iniisip niyang…” May pag-aalinlangan sa tinig ng kaibigan.
At hindi niya rin maiwasang isipin iyon. Napapikit siya hanggang marinig na nagsalita muli ang kaibigan.
“I think she’s already setting you free.”
Naging mariin ang pagkakapikit niya nang marinig ang mga salitang iyon. “But, that’s not it,” he whispered as if he's in pain.
Ang sakit lang. Kung maaga lang agad niyang nalaman. Sana’y hindi na lang siya nagpatuloy nang pakikipagkita kay Hairah. Kung agad din niyang nalaman, marahil nakapagpaliwanag siya kaagad sa asawa.
“Alam ko at naiintindihan din ni Yannie na wala talaga kayong koneksyon,” pagpapaliwanag ni Neil pero huli na.
“Still...” Hindi niya maiwasang hindi makadama ng inis. Pero kailangan niyang kontrolin ang emosyon. Nagmulat siya ng mga mata, tumayo at nilingon ang kaibigan. “Ano pang dapat kong malaman?”
Tumayo na rin si Neil. Hindi maikakaila na nag-aalala ito.
“Iyon lang. She just asked about you and Hairah. But, mostly about Hairah.”
“You sure?” paninigurado niya.
“Oo naman.”
“Her personal information?” He asked this because he knew Yannie. Hindi ito maglalatag sa harap niya ng kaso kung wala itong ebidensiya.
Kumunot-noo si Neil. “Yeah, humingi siya pero sa tingin ko naman ay dahil gusto niya lang matiyak ku—"
Hindi niya na hinintay pang matapos magsalita ang kaibigan at tinalikuran na ito.
“Hey, Elijah!!” Sumunod ito sa kaniya habang pilit sinasabayan siya nito pero hindi niya pinansin ito. May kung anong nabubuo sa isip niya.
“Pasensiya na, pare. Alam kong galit ka pe—"
Marahas pero kontrolado ang inis na nilingon niya ito. “Palalagpasin ko ito, alang-alang kay Yannie pero siguraduhin mo lang na wala ka nang itinatago sa akin,” may riin sa tinig niyang ani sa kaibigan.
“I swear, wala na pare.” May panunumpa pa ng kamay na wika nito.
Nakarating sila ng parking lot. Walang aksayang oras na sumakay siya ng motor niya, binuhay ang makina. “Magkita na lang tayo sa station mamaya.” Iyon ang huling mga salita niya bago pinaharurot ang motor at hindi na hinintay pang makapagsalita ang kaibigan.
Alam niyang hindi siya dapat sa kaibigan magalit kundi sa sarili. Itinago nito na alam ni Yannie ang mga pagkikita nila ni Hairah. Isang bagay na hindi naman dapat itago. Wala silang gingawang mali ni Hairah. Tinutulungan pa nga siya nito. Pero hindi niya mapigilang hindi mainis sa sarili dahil naging mahina siya. Hindi man lang din niya napansin kung may nagbago ba kay Yannie. At tila nakadagdag pa siya sa sakit at lungkot ng asawa. Hindi din niya maiwasag hindi ma-guilty lalo pa at tila naging masama ang disposisyon ni Hairah dahil sa ginawa nitong pagdamay sa kaniya.
Pinaharurot niya ang motor. Mabuti na lang at walang masiyadong sasakyan sa daan. Kailangan niyang magmadali at may kailangan pa siyang linawin.
*****
“Three-thirty na.. Pwede na tayong mag-out!” Mahinang tumawa si Hairah nang marinig ang malakas na boses ni Laila sa labas ng silid-aralan.
“Tara na! Gusto ko nang mahiga. Nami-miss na ako ng kama ko.” Boses naman ni Myrna ang nadinig niya.
Lumabas siya ng silid. “Mag-aayos lang ako ng gamit. Hintayin ninyo ako,” malakas na aniya sa mga kasamahan niya.
Ipinasok niya sa bag ang mga gamit, pinatas ang mga libro, at inilagay sa isang kahon ang ginugupit na mga pangdisenyo. Kasalukuyang nasa school sila dahil in two weeks ay magsisimula na naman ang pasukan. Nagsisimula na sila muling mag-ayos ng mga classroom. Last week na ng May pero parang nasa vacation mode pa ang isip ng ilan sa mga kasamahan niya. Mukhang bitin pa ang bakasyon.
“I’m ready!” she announced as she closed her classroom.
“Sunod ka na!” malakas na tawag ni Raelyn na marahil ay nasa hallway na.
Pagkasara niya ng classroom ay sumunod sa mga kasama na kasalukuyang nasa main door na ng building. Siguro ay nakaalis na ang iba dahil ang naroroon na lang ay sina Teacher Jhel, Laila, Myrna, Raelyn at Sheila. Hindi kalakihan ang school na pinagtatrabahuhan ni Hairah pero maayos at tama naman ang pasahod, bukod pa ang mga benefits. Halos dalawampu din silang guro bukod pa ang staff at maintenance.
Sa lahat ng mga kasamahang guro sila ang pinakamalapit sa kaniya.
Nakatigil ang mga ito habang nagpapalitan nang tingin. Nakangisi si Laila, nakangiti sina Myrna at Raelyn, pero ang isang nakapagtataka ay naka-on ang mother-hen mode ni Jhel at salubong naman ang kilay ni Sheila.
Ano na naman kaya iyon?
Binilisan ni Hairah ang paghakbang palapit sa mga ito para malaman kung bakit ganito ang reaksyon ng mga kasamahan.
Marahil naramdaman ng mga ito na palapit na siya kaya naglingunan ang mga ito. Ngiting-ngiti sina Laila at ang iba pa maliban kina Jhel at Sheila na seryoso.
“Masikreto ka talaga,” nakangising wika ni Laila.
“Kaya nga,” sulsol naman ni Myrna.
Umangat ang isang kilay niya. “Ano?” naguguluhan niyang tanong.
“May naghihintay sa’yo sa labas.” Hindi pa rin nawawala ang ngiting tugon ni Myrna. “Sundo mo ata.”
“Nasa labas si Henry?” Tanong niya pero hindi naman niya naalalang nagpasundo siya sa kapatid lalo pa at wala naman siyang gasinong dala maliban sa isang shoulder bag at isang paper bag.
“Hindi. Iba.” Si Sheila ang sumagot sa seryoso pa ring paraan.
Binigyang-daan siya ng mga ito nang makalapit sa main door. At para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makilala ang sinasabing naghihintay sa kaniya.
“Hindi ba si Officer Pelaez iyan?” Dinig niyang bulong ni Jhel sa tinig na tila nagsasabing ‘may-kailangan-ba-kaming-malaman.’
Napalunok siya kasabay nang pagragasa ng samu’t saring pakiramdam. Kaba. Tensiyon. Pagtataka.
Anong ginagawa niya dito?
“Oo nga, noh. Kaya pala pamilyar,” pagsang-ayon naman ni Laila.
“Hindi natin nakilala agad dahil hindi siya naka-uniporme,” sabat naman ni Raelyn.
“Ang gwapo pa rin niya kahit hindi naka-uniporme.” Para namang kinikilig na ani Laila.
“Lapitan mo na. Sabi ni Ate Agnes, kanina ka pa raw hinihintay niyan. Hindi ka na lang daw pinatawag.” Si Jhel ang nagsalita at ang tinutukoy nitong Ate Agnes ay ang isa sa utility woman nila.
Pinagmasdan niya ito habang nakatayo malipat sa pulang kotse nito. Nakapaling sa ibang direksyon ang ulo nito at tila malayo ang iniisip. Nag-aalinlangan pa rin siyang humakbang nang biglang lumingon ito sa direksyon nila.
And, gosh, hindi talaga nagkakamali si Laila. Gwapo talaga ito kahit hindi naka-uniporme. Naka-shades ito, round-neck white T-shirt na halos humakab ang muscles nito sa braso. Black denim pants naman ang pang-ibaba nito habang naka suot ng puting rubber shoes. Nakababa ang buhok nitong unti-unti nang humahalik ang ilang hibla sa noo at batok nito. Hindi niya madalas makita ito na ganito ang get-up kaya naman bago sa kaniya ang ganitong mala-boy-next-door na demeanor nito.
Paglingon pa lang nito ay ngumiti na ito sa kaniya. At kung talaga lang nakakatunaw ang nakakasilaw na mga ngiti nito, matagal na siyang tunaw.
Gumanti siya ng matipid na ngiti at nilakihan ang hakbang palapit dito. Tumuwid ito nang tayo at tuluyang hinarap siya. At habang naglalakad, naroroon na naman ang kakaibang kiliti sa loob ng dibdib niya.
Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang mahinang tinig ni Sheila. “Hindi ba’t kamamatay lang ng asawa niya?”
Gustong maglaho ng ngiti niya pero pinigil niya iyon kasabay nang mahigpit na paghawak sa paper bag.
Sino ba siya para masaktan?
Alam naman niya ang totoo simula pa noong una.
“Hi,” bati nito sabay alis sa shades.
“Hey. Napadaan ka?”
“Pasensiya ka na. Hindi ko gustong makalikha ng komosyon pero kailangan sana kitang makausap.” Apologetic ang mukha nito at kahit ang paraan nang pagsasalita nito.
“Hindi naman. Tungkol ba saan?”
“Can we talk somewhere? May lakad ka ba or ibang naka-schedule ngayon?”
“Wala naman. Maaga ang off namin ngayon dahil hindi pa naman simula ang klase.”
Tumango-tango ito at naglipat ang tingin ni Elijah sa kaniya, at sa mga kasamahang hindi pa rin umaalis sa pintuan ng building.
“Magpapaalam lang ako sa kanila,” agaw niya sa atensiyon nito.
“Can I also meet them?” baling nito sa kaniya.
Bahagya siyang nagulat pero mabilis ding tumango. “Sure.”
Nilingon ni Hairah ang mga kasamahan. May kakaibang ngiti sa mga labi ng ilan. Ngunit hindi maikakaila ang pagdududa sa mga mata nina Jhel at Sheila.
Geez.
Nilapitan ni Hairah ang mga kasamahan habang nakasunod naman sa kaniya si Elijah. Ilang taon na silang magkakasama sa trabaho kaya hindi na iba ang mga ito sa kaniya.
“Ahmm, guys, si—”
“Police Officer Elijah Pelaez,” putol ni Jhel sa mga sasabihin sana ni Hairah. “Ako si Jhennel, but call me Jhel,” pagpapatuloy ni Teacher Jhel habang matamang nakatitig kay Elijah.
Nanatili ang kalmado at magiliw na ngiti ni Elijah sa kabila ng tila pagiging formal ni Jhel. “Elijah na lang, ma'am, and nice to meet you.”
“Ikaw si kuyang pulis,” malapad ang ngiting ani Laila sa magiliw na tinig, kabaligtaran kung paano umakto si Jhel. “Ako naman si Laila.”
Nagpakilala rin sina Raelyn, Myrna at kahuli-hulihan si Sheila na hindi inaalis ang nanunuring tingin kay Elijah. Mas matanda ito kay Hairah pero hindi niya masisisi ito kung ganito ito umasta dahil may hindi maganda itong history sa mga lalaki. She'd been working it out, and continue on praying na maalis ang burden na iyon. But, sometimes wound cut deep.
Bumalik ang atensiyon ni Hairah kay Elijah nang muling magsalita ito. “Hihiramin ko lang si Hairah. Kung okay lang sa inyo.”
“Anong palagay mo sa kanya gamit?” sarkastikong tanong ni Sheila na pasimple namang siniko ni Myrna.
Nanigas si Hairah sa kinatatayuan niya dahil sa sinabi nito.
“Huwag mo siyang pansinin,” mabilis na sabat ni Myrna.
“Kung sasama sa’yo si Hairah ay okay lang na isama mo muna siya. Siguraduhin mo lang na ihahatid mo siya ng maayos sa bahay nila.” Napatuwid sa pagkakatayo si Hairah nang magsalita si Jhel, may pag-unawa itong makipag-usap pero tila ba nakikita niya ang mga warning signals sa ulo nito.
“Sure,” cool na sambot ni Elijah. Mukhang sanay na sanay na itong makitungo sa mga ganitong klase ng tao dahil hindi man lang natitinag ang kalmado nitong mukha. “May curfew ka ba, Hairah?” makahulugang tanong nito sa kaniya.
“Ha? Ah. Wala.” Hindi niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha nang maalala ang ginawang paghahatid nito sa kaniya ng madaling-araw.
“But she had to be home before 7 o’clock. No, make that 6:30,” seryosong wika ni Sheila.
Napamaang si Hairah kay Sheila pero pinandilatan lang siya ng huli. Kailan pa ako nagkaroon ng curfew?
“Dapat ata mas maaga pa,” sabat naman ni Raelyn.
Nagkatinginan na lang sila ni Myrna. Sa tingin niya’y ito at si Laila lang ang makakasundo.
“Make sure she’s safe,” dagdag pa ni Jhel.
“Mabuti pa’y lumakad na kayo at baka mamaya lalong hindi pa kayo makaalis,” si Myrna na sinenyasan na si Hairah na umalis.
“Sige. Uuna na ako, guys. Bukas na lang uli.” Nakangiting paalam niya sa mga kaibigan.
“Tatawagan ka namin mamaya,” pahabol ni Sheila.
“Okay.”
“Bawal magpatay ng cellphone,” paalala naman ni Raelyn.
“Sige mga ma’am. Mauna na kami. Pangako, ihahatid ko siya sa bahay nila ng maayos.”
Nagpaalam na rin siya sa mga kasama.
“Let’s go,” aya nito.
Tumango siya. At gaya noong una, pinagbukas siya nito ng pinto bago ito naman ang sumakay.
*****
“Pasensiya ka na sa mga kasamahan ko,” nahihiyang sabi ni Hairah at nilingon si Elijah na nasa likod ng manibela.
“Okay lang iyon. Alam kong iniingatan ka lang nila.” Nakatutok ang tingin ni Elijah sa daan habang nagsasalita.
“Pero hindi ka naman mukhang masamang tao. Ganoon lang talaga sila minsan.”
“Siguro kahit naman ako ang lumagay sa lugar nila maghihigpit din ako,” makahulugang komento nito.
Nagtatakang nilingon niya ito. “Anong…”
Hindi na naggawang ituloy ni Hairah ang sasabihin dahil iniba na ng lalaki ang usapan. May gusto ka bang kainin?”
“Okay lang kahit ano.”
“Sigurado ka?” Bahagya siyang nilingon nito.
“Oo.”
“Okay.”
Pinili na lang manahimik ni Hairah at sa halip ay tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan. Ngayon lang nagsi-sink in sa kaniya ang lahat. Pangalawang beses na niyang sumakay sa kotse nito. At sa ikalawang beses din ay sumama siya dito nang walang tanong-tanong at walang pag-aalinlangan.
'Di yata'y siya ang nahuhulog sa banging pilit niyang iniiwasan sa simula pa lang.
Wala sa loob na nagpakawala siya nang buntong-hininga at isinandal ang ulo sa bintana.
“Ang lalim noon ah.”
Napapitlag siya ng marinig na nagsalita ito. Nilingon niya ito. “Huh?”
Nginitian lang siya nito sabay iling at nagpatuloy sa pagda-drive.
“Ano bang kailangan nating pag-usapan?” hindi makatiis na urirat niya dito.
“Later.”
“Dapat ba akong kabahan?” pagpupumilit pa niya.
Hindi ito sumagot at nang lingunin niya ito’y seryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa kalsada. Nawala ang sigla nito at hindi rin niya mabasa kung ano bang iniisip nito.
Mukhang dapat nga siyang kabahan.
*****
“We’re here,” Elijah announced, and immediately took off his seatbelt and got off the car.
Hindi na siya naghintay pang pagbuksan pa nito ng pinto. Bumaba na kaagad siya ng sasakyan at eksaktong nakababa siya’y dumating ito sa harap niya.
“Let’s go?” aya nito. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang ekspresiyon sa mukha nito.
Tumango lang siya. Naglakad ito at sumunod siya dito habang tumitingin sa paligid. Maraming hilera ng kainan sa lugar ngunit doon sila dumiretso sa isang fast food na may pangalang 'Eat in Solitude'. Nakabukod ang stall ng kainan at mas malapad ang space na inuokupa nito.
Nilingon niya ang lalaki na nasa unahan niya. Nakatalikod ito pero feeling niya’y ang gwapo pa rin nito. Malapad ang balikat nito at tila ba napakasarap sumandig doon. At kahit na sa paglalakad nito, lalaking-lalaki ito maglakad. Hindi mayabang, hindi arogante pero mukhang modelo.
Napabuntonghininga na lang siya. Heto na naman siya. Nasa-sidetrack na naman ang utak niya. Wala sa loob na napisil niya ang pisngi niya.
Gising Hairah…
“You okay?”
Nanigas ang katawan ni Hairah nang magsalita si Elijah. Napatigil siya sa paglalakad at nag-angat nang tingin dito. Nakatingin ito sa kaniya at ganoon din ang guard. Gumapang ang init sa magkabila niyang pisngi papunta sa buong mukha nang mapagtantong nasa may pinto na pala sila ng kainan. Napangiwi siya sabay baba ng kamay mula sa pisngi at lagay sa likuran.
Nice one, Hairah.
“May problema ba?” ulit nito.
Umiling-iling siya.
“Bakit pinipisil mo ang pisngi mo?”
“Wala ito. Huwag mo akong pansinin.” Pinilit niyang ngumiti kahit na ang totoo ay parang gusto niyang tumalilis palayo.
Gosh, kung alam lang niya…
“Sigurado ka. Wala bang masakit sa iyo? O inaantok ka na?” Nagbago na ang tinig nito.
Pulis talaga ito. Ang galing sa interrogation.
"M-Makati lang.” Oh God, sorry. Nakapagsinungaling pa talaga.
"Sure?"
Sincere niyang nginitian ito. “Oo naman. Tara na sa loob?”
Nakangiting tumango ito. Pinauna muna siya nito bago ito tumuloy.
Nature ang theme ng fast food. Ang dingding ay may disenyo ng mga tila nakayungyong na kawayan. Ang mga silya at mesa ay gawa sa matitigas na kahoy ngunit may disenyo din ng kawayan. Kung hindi mo siya hahawakan ay iisipin mo nga na isa itong kawayan. Bukod sa front door, may dalawa pang sliding door sa magkabilang bahagi ng resto.
“Sana nagustuhan mo ang lugar.” Nalipat ang atensiyon niya kay Elijah nang magsalita ito.
“Maganda at tahimik.”
“Isa iyon sa dinarayo dito. Bukod sa masarap ang pagkain nila ay tahimik dito. Marami daw sa pumupunta dito ay mga gustong mapag-isa.”
Hindi ito nagkakamali. Marami sa mga taong kumakain ay mag-isa lang. Mabibilang sa daliri ang may mga kasama. At isa na sila doon. Ngayon lang sya nakarinig ng isang kainan na para sa mga taong gustong mapag-isa. Gusto niya sana itong tanungin kung bakit dito siya nito dinala pero nag-aalangan naman siya.
“Solitude...” Wala sa loob na anas niya.
“Wasn’t it loneliness?” he asked.
Ibinalik niya ang tingin dito. "Solitude is different from loneliness," she muttered.
Magsasalita pa sana ito nang lumapit ang waiter. Nakangiting inabot nito ang menu sa kanila. Tiningnan niya ang menu pero hindi niya alam sa mga nakasulat doon ang oorderin.
“Masarap ang Sweet and Spicy Chicken Burger nila. Gusto mo bang i-try?” Mukhang napansin ni Elijah na nahihirapan siya.
“Sige, pakisamahan na rin ng fries 'yung spicy cheese.”
Nilingon ni Eljah ang waiter. Sinabi nito ang order nila na dinagdagan pa nito ng kung ano-anong may kakaibang pangalan pero mukha namang inihaw lang. Pagkakuha ng waiter ng order nila’y naiwan muli silang dalawa. Hindi katulad ng dati na medyo kinakabahan siya kapag kasama ito. Medyo at ease siya at alam niyang ganoon din ito.
“Pasensiya ka na. Alam kong pagod ka pero sa halip na nagpapahinga ka’y heto at inaabala pa kita.”
“Wala iyon. Hindi pa naman ganoon karami ang ginagawa namin. Nag-aayos pa lang kami ng mga classroom at documents ng mga bata. Ano nga pala ‘yong gusto mong sabihin?”
Bumalik ang uneasiness sa mukha nito.
“Look, you know, I’m always willing to listen,” Hairah reminded him.
“It’s not about me,” Elijah answered quietly.
Hindi niya mapigilan ang pagkunot-noo. “Then, is it about your wife?”
Diretsong tiningnan siya nito na tila ba pilit nitong binabasa ang nasa isip niya. Gusto niyang panghinaan sa klase ng tingin nito. Pakiramdam niya ay maaaring mabasa nito hindi lang ang laman ng isip niya kundi pati na rin ang laman ng puso niya. Pasimpleng nag-iwas nang tingin si Hairah at kunwa’y lumingon sa kabilang mesa kung saan may babaeng mag-isang kumakain ng onion rings. Nakatingin sa ito iPad nito habang may nakasalpak sa tenga na earphone.
“Alam kong may pinagdaraanan ka pero kung hindi mo sasabihin sa akin kung anong kailangan mong sabihin ay walang mangyayari sa ating dalawa dito.” May nakakaunawang ibinalik ni Hairah ang tingin kay Elijah.
“Hindi ko alam na may pagkamainipin ka,” he commented, sounding amused.
“No, I’m good at waiting pero kung makikita mo ang mukha mo tuwing tinatanong kita kung anong gusto mong sabihin, baka kabahan ka rin,” mabilis na balik ni Hairah sa lalaki.
Napahawak ito sa batok. “Sorry for making you uncomfortable.”
Ngumiti lang siya bilang tugon.
Tumuwid nang upo si Elijah at ipinatong ang dalawang magkasalikop na kamay sa ibabaw ng mesa habang nakatingin kay Hairah. Bumalik ang pagiging seryoso ni Elijah na bahagyang nagdala ng kaba kay Hairah.
“Actually,” Elijah started. “I just wanted to apologize.” His face suddenly went blank while his eyes were unfocused. It appeared that he’s looking at Hairah, but the truth was his mind was drifting off somewhere.
These actions and what he said made Hairah frown. “Why?”
“I know it’s kinda weird me saying this. But, Yannie found out…” Elijah stopped talking and lifted his gaze at her. And, it made her more confused and nervous.
Something’s not right. Hairah knew that, though she’s not sure what it was.
“Elijah…”
*****