"There is a way that appears to be right, but in the end it leads to death." Proverbs 14:12
"Bye, Teacher!" malakas na paalam ng mga bata kay Hairah habang palayo ang mga ito sakay ng service van.
Isang ngiti at kaway ang iginanti niya sa mga ito. Hindi umalis si Hairah sa kinatatayuan hanggang mawala ang van sa paningin niya. Nang tila maglaho na pati ang usok at alikabok na iniwan ng sasakyan ay pumasok na siya sa loob at dumiretso sa classroom niya.
Dalawang linggo na ang mabilis lumipas simula nang magpunta sina Hairah sa Quezon. Isang linggo na rin simula nang magsimula ang pasukan. Isang linggo na ring hindi nagbabago ang routine niya. Gigising sa umaga, gagawin ang nakagawiang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, papasok sa school at lulunurin ang buong atensyon sa mga bata, uuwi sa bahay, kakain, susubukang magsulat o magbabasa hanggang dalawin ng antok. Nakagawian niya na ang mga ito. Masaya siya sa t'wing gigising sa umaga, napupuno siya ng pag-asa sa bawat pagbuklat ng pahina ng Bibliya at sumisigla ang katawan niya sa mga bata na kahit makukulit at minsa'y nakakapagod at nakakaubos nang pasensiya ay nagpapangiti pa rin sa kaniya. Ngunit sa loob ng isang linggo na iyon, tila nawala na ang saya, sigla, at lakas niya.
Even her prayers felt shallow.
Laglag ang balikat at nanghihina ang katawan na inayos ni Hairah ang magulong classroom na iniwan ng mga bata, ginawa ang kailangang gawin, niligpit ang gamit niya, at naghanda na sa pag-uwi. It's also a routine, a routine she used to enjoy despite its repetitive act, not until now.
Not until she messed things and Elijah began to be cold at her.
Oh Dear God! Hanggang doon na lang ba lahat?
*****
Pagkaparada ni Elijah ng police cruiser sa parking lot ay bumaba siya ng sasakyan at pumasok ng station. Hindi pa siya nakakapasok nang tuluyan ay sumalubong na si Officer Honey na may dalang maliliit na blue envelope. Lumigid ang tingin ni Elijah at nakitang may hawak ring envelope ang mga kasamahang pulis.
"Mabuti’t dumating ka na," nakangiting salubong ni Officer Honey kay Elijah.
"Anong meron?"
"Pupunta ka sa birthday ni Rocky," si Officer Randy ang sumagot. Kalalabas lang nito sa opisina ng station.
"Heto ang invitation." Iniabot ni Officer Honey ang sobre at binuksan kaagad iyon ni Elijah. Dalawang card iyon na may design na Captain America kung saan may picture ng panganay nina Officer Randy at Honey.
"Ang bilis ng panahon, malaki na si Rocky," komento niya at ibinalik ang card sa loob ng envelope.
"Palatandaang tumatanda na kayo," natatawang sabat naman ni Troy.
Naiiling na lang na napangiti si Elijah at akmang aalis nang pigilin ito ni Officer Honey. "Hintay lang, Elijah. May ipapaabot ako.” Bumalik ang tingin ni Officer Honey na nasa harap pa rin niya at isa-isang tiningnan ang mga envelope.
"Huwag mo nang bigyan si Neil. Pupunta naman iyon kahit walang invitation," pagbibiro niya kay Officer Honey sa pag-aakalang ipapaabot ang kay Neil.
"Ang sama mo talagang kaibigan. Ginaganyan mo ako kapag nakatalikod ako," malakas na saad ni Neil na kadarating lang mula sa labas. Nagtawanan sila habang tumabi kaagad si Neil kay Elijah at binangga ito sa balikat. "Tsaka meron na ako," dagdag ni Neil pagkaraan.
Nilingon ni Elijah ang kaibigan. "Talaga? Ang bilis mo talaga kapag handaan."
Dahil magkasama sa trabaho at matagal na ring magkaibigan, ‘di rin nagtagal ang away nila ni Neil. Nag-usap silang dalawa na nauwi sa panonood ng basketball hanggang sa nagpa-deliver ito ng pizza. At sa huli, ayos na sila. Wala nang madramang kung ano-ano pa.
"Hindi para sa kaniya," ani Officer Randy bago kinuha ang ibang envelope mula sa asawa. "Akala ko ba'y itinago mo kanina?"
"Kanino ba ibibigay?" takang tanong ni Elijah.
"Kay Hairah," tugon ni Officer Honey na nag-angat nang tingin habang hawak ang isa pang envelope. "Heto pala."
Neil felt when Elijah’s body gone tight after mentioning Hairah’s name. Pasimpleng nilingon ni Neil ang kaibigan bago ibinalik kay Officer Honey. "Kilala mo si Miss H?"
"Miss H?" ulit ni Officer Honey.
"Si Hairah," tugon ni Neil.
"Iyong dalagang madalas magbisikleta?" tanong naman ni Officer Randy.
"Iyon ba iyong magandang babae na dinala ninyo dito noong isang araw na may sugat ang tuhod at binti?" sabat naman ni Troy na nakaupo sa receptionist desk ng station.
"Nasugatan si Hairah?" gulat na baling ni Neil kay Elijah. "Anong nangyari?"
Hindi pinansin ni Elijah ang tanong ng kaibigan at ang sinasabi ng mga kasama. Inabot niya ang envelope mula kay Officer Honey. "Susubukan kong iabot," casual na aniya.
"Salamat. Ilang araw ko na kasing inaabangan siya kapag nagra-rounds kami pero hindi ko siya matagpuan. Baka busy na at simula na uli ang pasukan," paliwanag ni Officer Honey.
Isang linggo nang simula ang pasukan at simula nang pumunta sila sa Quezon ay hindi na muli sila nag-usap at nagkikita pa. Tahimik ito hanggang sa maihatid niya sa bahay. Nagpapadala ito ng mga mensahe sa Messenger niya sa buong dalawang linggong nagdaan ngunit pawang mga Bible verse, encouraging words at mga inspirational messages. Binubuksan niya pero hindi niya binabasa. Hindi rin siya nagre-reply at parang wala lang iyon sa dalaga dahil patuloy lang ito sa pagpapadala. Isa tuwing alas-singko ng umaga at isa tuwing alas-diyes ng gabi. Gusto man niyang i-block ang dalaga sa Messenger ay hindi niya kaya.
Isa pang hindi niya maunawaan sa sarili.
"Nakita ko siyang pumasok kaninang umaga," ani Neil.
Magkasama sina Elijah at Neil noong umaga pero hindi niya nakita ang dalaga. Bagama't nanghihinayang, hindi niya ipinakita lalo pa't parehas nakatuon ang tingin ng mag-asawa at ng kaibigan sa kaniya.
"Pipilitin ko na lang iabot," ulit niya at nagsimula nang maglakad papunta sa quarter nila.
Tapos na ang duty niya at ilang oras na lang ay uwian na nina Hairah. Hindi niya alam kung kaya niya na bang harapin ang dalaga pero bahala na.
Pinagmasdan ni Neil ang kaibigang dumiretso sa quarters nila. Halata ang pagbabago ng mood nito pagkadinig sa pangalan ni Hairah.
"Sa palagay mo'y makakarating ang invitation?" tanong ni Officer Honey na nakatingin rin sa pintong pinasukan ni Elijah.
"Ibibigay niya iyon," tugon ni Neil at ibinalik ang tingin sa mag-asawa. "Anong nangyari kay Hairah?"
"Kaunting gasgas lang," si Officer Randy ang sumagot.
"Matagal na kayong magkakilala?" tanong pa ni Neil.
Hindi siya makapaniwala na gusto itong imbitahan ni Officer Honey gayong hindi naman niya natatandaang nagkasausap man lang ang mga ito.
"Noong araw lang na iyon," may kakaibang ngiting ani Officer Honey at tumalikod na. “Una na ako sa inyo, may gagawin pa nga pala ako.”
Binalingan ni Neil ang asawa nito pero kibit-balikat lang ang naging tugon nito at sumunod na sa asawa.
Bakit ba ang weird ng mga kasama niya?
*****
Sinubukang hintayin ni Elijah ang pagdaan ni Hairah ng hapon pero wala kahit anino nito ang dumating. Nag-iwan din siya ng mensahe sa Messenger pero gabi na'y hindi pa rin nito nasi-seen. Naghintay siya hanggang alas-diyes ng gabi dahil iyon ang oras kung kailan palagi itong nagpapadala sa kaniya ng mensahe pero hindi pa rin ito nagsi-seen. Dumating ang umaga at wala siyang nakuhang kahit ano. Hindi sigurado si Elijah kung biglang nagsawa na itong magpadala sa kaniya ng mensahe o baka may nangyari na ritong masama.
Hindi niya gusto ang huling naisip kaya minabuti niyang sabihin sa kaibigang kapag nakita ito'y sabihan siya.
"Hindi ko siya nakita kahapon," wika ni Neil kay Elijah nang sabihin niyang hindi pa niya naibibigay ang invitation. Naka-duty silang dalawa at kasalukuyang nasa checkpoint kasama ng ilan pang kasamang pulis.
"Malabong makita rin natin siya ngayon. Kadalasan ay nagvo-voluunter siya kapag Sabado," komento niya.
"Hectic ang schedule niya," naiiling na ani Neil. "Hindi ba siya napapagod?"
"Mukhang hindi," tugon niya na hindi maiwasang hindi humanga kapag naiisip kung gaano kaaktibo ang dalaga. Kapag weekdays ay nasa school ito, sa Sabado naman ay nagvo-volunteer ito sa mga orphanage at kapag Linggo ay sumisimba naman. Natutulog pa kaya ito?
Gusto sana niyang dalahin sa bahay nito ang invitation pero baka magulat na lang ito kapag bigla siyang sumulpot sa bahay nito.
Abala pa rin siya sa pag-iisip nang umalis sa tabi niya ang kaibigan. Sinundan niya ito ng tingin na tila may tinitingnan sa kabilang kalye.
"Ano na naman iyan? Kung kani-kanino ka na naman tumitingin, kaya nagagalit si Cynthia sa’yo," may halong biro ni Elijah sa kaibigan.
Si Cynthia ay ang kasulukuyan at pinakamatagal ng kasintahan ni Neil, and so far, ang babaing unang siniseryoso nito.
Inignora ni Neil si Elijah, naiiling niyang tinalikuran ito. Hindi pa siya nakakalayo nang magsalita ito, “Speaking of your angel."
Awtomatikong napalingon si Elijah sa kaibigan. “Ano?”
Neil jerked his head at the souvenir shop across the road. Elijah followed the direction Neil was indicating just as his friend said, "Hindi mo nabanggit na may boyfriend pala si Hairah?"
As if someone punched Elijah, his face contorted. It wasn’t because of what Neil said because he knew Hairah’s status; it was because across the road, Hairah was standing in front of a tall brawny man. Her head was tilted, looking up at him; her eyes seemed to be smiling just as her lips were smiling from ear to ear. Elijah used to see those looks, no better than those, but after their not-so-good talk, he didn’t see those looked again.
May kirot sa loob niya, pero sino bang may kasalanan?
Sinusubukan siyang damayan at unawain ng dalaga pero minasama pa niya.
She's done with you...
Inilipat ni Elijah ang naniningkit na mga mata sa lalaki. Nakangiti rin ito kay Hairah habang nagsasalita. Sa kamay ay may hawak itong isang average-size white teddy bear.
Don't jump to conclusion, my child.
She stopped messaging you. Now you see why... She doesn't care about you anymore. Isn't that what you wanted?
Hindi alam ni Elijah kung anong iisipin o kung lalapitan ba ang dalaga.
"Elijah," tawag sa kaniya ni Neil nang natulala na siya.
Ask her first, beloved. Don’t jump to conclusion.
It wasn’t just a conclusion. She doesn't care about you anymore. She doesn't care even if you're still in the dark. She's just like her God. They loved you, tell they care for you, yet they will abandon you.
"Elijah?"
Kuyom ang palad na tumalikod si Elijah. Hindi niya pinansin ang pagtawag ng kaibigan.
Why do you keep turning your back when all you need is to ask, my child?
"Elijah! Ano ba?" Hinarangan ni Neil si Elijah at ganoon na lang ang gulat ni Neil nang makita ang ekspresyon ng kaibigan. "Elijah..."
May kinuha si Elijah mula sa likurang bulsa bago iniabot kay Neil ang asul na envelope. "You give that to her," he said coldly and then walked away.
Wala nang nagawa si Neil kundi pagmasdan ang palayong kaibigan. He saw him in pain, heartbreak, loneliness and sorrow, but the look he saw on his face was new. And, by just looking at him, it felt that someone shove a knife inside his chest.
D*mn. What's happening? Bakit ang weird ng mga nangyayari?
*****
Hindi na napigilan ni Hairah ang paghikab habang naglalakad pauwi. Alas-singko pa lang ng hapon pero inaantok na siya. Nanlalata na siya sa pagod. Gusto na niyang mahiga sa kama at matulog nang matagal. Halos wala siyang tulog kagabi dahil sa pambubulabog na ginawa ni Pancho, ang fiancé ni Lyra. Tinawagan sila ni Sandy kahapon ng hapon para magpatulong sa sorpresang inihanda nito para kay Lyra sa darating na Martes. Biglaan iyon kaya halos parang turumpo sila. Tinapos niya kaagad ang gawain sa school at ng oras na para umuwi ay nagmamadali siyang umalis.
Sa tulong ng ilang kaibigan nito, nakahanap kaagad ito ng venue at namili ng mga kakailanganin. Nagplano rin sila kung paano ang ayos ng lugar at kung paano ang takbo ng sorpresa nito. Nagpatulong din ito sa kanilang gumawa ng video para kay Lyra at ng mala-teledramang love story nilang dalawa. Si Sandy ang nangalap ng mga pictures, video clips at mga effect fail ni Lyra habang siya ang nag-edit at naglagay ng mga caption.
Pagdating ng umaga ay nagtingin sila ng magagandang desinyo't ayos ng mga bulaklak. Nagpa-reserve rin si Pancho ng boquet at bear sa flower shop para kunwari'y iyon lang ang regalo nito kay Lyra. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainggit sa kaibigan dahil sa napakabait, maunawain, at mapagmahal nitong fiancé.
Nagtakip ng bibig si Hairah nang maramdamang nahihikab na naman siya. Nasa unang kanto na siya at konti na lang ay makakauwi na siya. Tiningnan niya ang paper bag na hawak at wala sa loob na napangiti. Kung sakaling makikita niya si Elijah bukas ay ibibigay niya ang nabiling libro kanina. Desidido siyang hindi ito susukuan kahit anong mangyari. Naniniwala siyang natutulog lang ang dating Elijah, nagpapahinga at balang araw ay magigising ito.
Lord, alam kong kumikilos ka sa buhay niya.
Hairah was about to yawn again when someone called out, "Miss H!"
Lumingon si Hairah sa likod. Malalaki ang hakbang na naglalakad palapit sa kaniya si Neil. Hindi ito nakasuot ng uniporme kaya alam niyang hindi nagkataon lang na naroon ito.
"Neil," aniya dito nang makalapit.
"Hi! Miss H!" humihingal na bati ni Neil.
Umarko ang kilay ni Hairah. "Miss H?"
Sumilay ang ngiti sa labi ni Neil. Hindi maikakailang may maipagmamalaki rin ito. Gwapo rin ito pero 'yong playful type. Isang ngiti lang nito'y imposibleng hindi ka matutulala ngunit hindi tumatalab iyon kay Hairah. Isang lalaki lang ang kayang magpatulala sa kaniya. Isang lalaki lang at hindi pa nito kailangang ngumiti.
"Mas bagay ang Miss H," hindi nawawala ang ngiting tugon ni Neil.
Nagkibit-balikat si Hairah sa tugon ng binata. "Bakit pala?"
"Ay oo," ani'to na para bang may naalala bago may kinuha sa loob ng suot na jacket. Naglabas ito ng maliit na blue envelope at inilahad kay Hairah. "Pinabibigay ni Officer Honey."
Nagtataka man ay inabot iyon ni Hairah at binuklat habang nagpapaliwanag si Neil. "Seventh birthday ni Rocky, iyong panganay nila ni Officer Randy. Pinasasabi niyang pumunta ka."
Tiningnan ni Hairah ang invitation card. Hindi iyon ang unang beses na a-attend siya sa ganoong okasyon. Dahil Grade one ang mga estudyante niya at marami sa kanila ang nagse-celebrate ng 7th birthday ay madalas siyang maimbitahan. Ang labis niya lang ikinagulat ay bakit siya padadalhan kaagad ni Officer Honey gayong iisang beses pa lang naman silang nagka-usap.
"No offense, but are you sure it's for me?" tanong niya kay Neil.
"It has your name at the back," tukoy nito sa envelope. Binuklat iyon ni Hairah at nakitang nakasulat ang pangalan niya. "Inaabangan ka niya pero hindi ka raw niya nakikita. You're quiet busy lately." Naging makahulugan ang huling sinabi nito pero hindi iyon pinansin ni Hairah. Iniisip niya kung bakit si Neil ang nagbigay sa kaniya at hindi si Elijah. Nang personal na magka-usap sila ni Officer Honey ay dahil sa hindi pagkakaunawaan nila ni Elijah.
He doesn't want to see me. That's the only reason she got.
"Simula na kasi ang pasukan," mahina niyang paliwanag. "Pasabi na lang na salamat at susubukan ko," may pilit na ngiting aniya.
Pinagmasdan ni Neil ang dalagang nasa harap niya. Sa mga mata niya'y para lang isang bukas na libro si Hairah. Hindi mahirap basahin ito. Kitang-kita niya ang paglambong ng lungkot sa mga mata nito, ang pag-aalinlangan kung a-attend ba ng party at kahit sinabi nitong susubukan ay kabaligtaran ang sinasabi ng mukha nito. "You'll try?"
"Wala kasi akong kakilala doon," nahihiyang katwiran nito.
"Inimbitahan ka ni Officer Honey at kilala mo na ang asawa niya. Pupunta rin ako doon at si Elijah. May kakilala ka na.”
Hindi sumagot si Hairah ngunit hindi nakalingat sa mga mata ni Neil ang pagbabago ng kislap ng mga mata ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Elijah. Hindi rin nakalingat sa kaniya ang paglungkot ng mukha nito.
Something was happening between them.
"Ang sabi ni Elijah ay nag-message siya sa'yo sa Messenger," banggit ni Neil.
Napakurap si Hairah sa sinabi ng binata at wala sa loob na naisuklay ang daliri sa laylayan ng buhok. Hindi siya makapaniwala na nag-message sa kaniya si Elijah. Sa loob ng dalawang linggo na madalas niyang pagpapadala ng message ay wala itong tugon. Seen lang ito nang seen sa messages niya. Gusto niya nang sumuko pero hanggang sa huli, naniniwala siyang magiging maayos rin ang lahat.
"Ganoon?" nanghihinayang na aniya. "Naiwan ko kasi ang cellphone ko kahapon ng hapon sa school. Kanina ko lang nakuha pagkatapos kong samahan ang kaibigan kong mamili," dugtong pa ni Hairah.
Lumambot ang ekspresiyon ni Neil. "Nabanggit ni Elijah na nagvo-volunteer ka sa orphanage kapag Saturday."
Tumango si Hairah. "Oo, pero hindi kami nagpunta ng orphanage kanina. Sinamahan ko 'yong boyfriend ng kaibigan kong mamili nang pang-sorpresa para sa kaniya," pagkukwento nito.
Nagsalubong ang kilay ni Neil. "Boyfriend ng kaibigan mo?" tanong nito na bahagyang ipinagtaka ni Hairah.
"Oo.” Natigilan si Neil at hindi sumagot, bagay na lalong ikipanagtaka ni Hairah. "May problema ba?" tanong niya sa binata.
Tinitigan siya ni Neil at pagkaraa'y umiling. "Wala. May naalala lang ako." Akmang magpapaalam na si Hairah ngunit nagsalita muli si Neil. "May boyfriend ka ba?" tanong ng binata na ikinamangha niya. Alam niyang playboy ito pero balita'y steady na ito sa kasalukuyang girlfriend.
"Bakit mo naitanong?"
Nahihiyang napangiti ito sabay kiling ng ulo. "Na-curious lang."
"Ah... Wala."
Tumango-tango si Neil. "Ilang taon ka na?"
Hindi alam ni Neil kung bakit tinatanong niya ang dalaga ng mga bagay na iyon pero may gusto lang siyang siguraduhin. Isa pa, nakakaaliw tingnan ang pabago-bagong ekspresiyon sa mukha nito. Marahil kaya natutuwa si Elijah na kausap ito. Lalo ngayon na tinanong niya ito kung ilan taon na ito'y nagsalubong ang kilay nito ngunit hindi man lang nabawasan ang pagiging maamo ng mukha nito.
"Twenty-six…”
"Mas matanda pala kami ni Elijah," paglalahad niya at kagaya ng inaasahan ay muli ay may kakaibang kislap sa mga mata nito.
Elijah can be dumb and numb sometimes.
"Kailangan bang may interrogation kapag invited sa birthday party ng anak ng pulis?" may tabinging ngiting tanong ni Hairah.
Pinigil ni Neil ang matawa sa sinabi ni Hairah kaya idinaan na lang niya sa ngisi. "Oppsss, sorry."
"Hmm... About sa party, I'll try, but I really can't promise," she reminded.
"Please be there. Kami ang bahala sa'yo," ani Neil sabay kindat kay Hairah pero mukhang walang talab iyon sa dalaga dahil ngumiti lang ito kasabay nang pag-ilap ng mga mata at pagsasalikop ng dalawang mga kamay.
"Pwede bang makiusap rin ako?" nagsusumamo ang mga mata na mahinang tanong ni Hairah.
"Sure. Basta ba kaya ko. Ano ba iyon?"
"Pwede bang pakibigay nito kay Elijah?" tanong ni Hairah sabay lahad ng hawak na maliit na paper bag kay Neil.
Napapatda si Neil sa sinabi ni Hairah. Nagpalipat-lipat ang tingin ng binata sa mukha ni Hairah at sa paper bag. "Kay Elijah?"
"Uhuh."
"Bakit?"
Nagyuko si Hairah ng ulo at ibinaba ang kamay na may hawak ng paper bag. "Kailangan ba'y may dahilan para magbigay? Well," kumibot ang labi nito bago nagpatuloy, "nakita ko kasi ito kanina." Tiningala ni Hairah ang binata. "Nagbabasa ba si Elijah ng libro?"
Marahang tumango si Neil na naging seryoso na ang mukha. Dumukot si Hairah sa loob ng paper bag at naglabas ito ng kulay berdeng libro. Ibinalik nito ang tingin sa binata. "I just wanted to..." Hairah stopped speaking. Neil knew she was embarrassed, and he also understood what she wanted to do.
"Okay. I'll give it to him," he said with a smile.
Hairah put back the book inside and handed the paper bag to Neil before she said, "Thank you."
"I must thank you also for looking after him," he said back.
Hairah shook her head making her hair sway tenderly in her shoulder. "It's nothing. He's a friend."
Neil nodded. They bid their farewell to each other. Hairah was beaming despite the tiredness she felt as she walked. Neil was looking at the two small books inside the paper bag. One is green and one is red.
Finding Comfort... Being Whole...
Eveything was confusing. His friend was in the middle of grieving, heartache, and somberness while some random shy innocent woman was shining her light to its extent to grasp his hand and to take him away from sadness.
But the question is, How long is she going to do this? How long is she going to hold on without losing her own light and breaking her heart?
*****
Sunday, eight fifteen in the morning at Elijah's...
Nagmamadaling inabot ni Elijah ang helmet, kinuha ang susi ng motor at pumunta ng salas para patayin ang tv. Kailangan niyang umalis bago pa dumating ang mama't papa niya. Naglalakad na siya patungo sa pinto nang may madinig na kumakatok sa pinto.
Shit! Inabutan pa ata siya.
Binuksan niya ang pinto, handa nang sabihin sa ina na hindi siya sasama sa pagsimba para lang matigilan dahil sa halip na ang mga magulang ang makita ay ang naka-unipormeng si Neil ang nabungaran.
"Nagmamadali ka ata," salubong ni Neil sa kaniya.
Tinitigan ni Elijah ang seryosong mukha ng kaibigan. Problema nito?
"Napadaan ka? Hindi ko alam na may duty ka?"
"Sinabi ko sa'yo kahapon kaso mukhang lipad na naman ang isip mo," naiiling na anito. "May lakad ka?" tanong pa nito nang mapansing bihis na bihis si Elijah.
"Nag-aayang magsimba sina mama at papa. On the way na sila," tugon ni Elijah. Nagliwanag ang mukha ni Neil ngunit bago pa ito tuluyang mag-isip ng kung ano'y nagpatuloy sa pagsasalita si Elijah. "Sinabi ko nang hindi ako sasama. Pero kilala mo si mama, hindi mapipigilan iyon kaya sabi ko'y wala ako sa bahay."
Nalaglag ang panga ni Neil sa sagot ng kaibigan. Si Elijah pa ba ito na kaibigan ko? Diyos ko, nasaan na iyong dating Elijah?
"Nagsinungaling ka kay Tita Ellen at ngayon nama'y tatakasan mo sila?" hindi makapaniwalang tanong ni Neil.
"Look, Neil, I have t—”
"s**t! Ano ka teenager na kapag ayaw sumimba ay tinatakasan ang mga magulang?"
Nagpakawala si Elijah ng hangin. Hindi niya gustong mag-away na naman sila ng kaibigan pero mas lalong hindi niya gustong ipilit ng mga ito ang sa palagay nila'y tama. "Neil, I just wanted to go out."
"No! You're escaping. Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman ganiyan dati, ah."
"Wala akong oras para dito, Neil. Sabihin mo na lang kung anong sasabihin mo. I really have to go."
Neil sighed, a deep and long one. "Kahit anong oras ang labas mo sa duty, hindi ka nakakalimot sumimba. Kahit on-duty ka, andoon ka sa simbahan, madalas halos kaladkarin mo na ako noon para lang sumimba kasama ninyo, tapos ngayon tatakasan mo sina Tita Ellen dahil ayaw mo lang pumunta ng simabahan. What the heck, Elijah?" Nagsisimula nang mainis si Neil pero pinilit niyang maging kalmado at paliwanagan ang kaibigan.
"Church is the place where that being lives, the being who took away my child and my wife. Bakit ko gugustuhing pumunta sa lugar na iyon?"
Pakiramdam ni Neil ay dumoble ang laki ng ulo niya dahil sa sinabi ng kaibigan.
Damnit! Elijah totally lost it.
Gustong sigawan ni Neil ang kaibigan pero mas pinili niyang manahimik. Naaawang tiningnan niya ito at umiling-iling. Hairah and he weren't the same when it comes to faith, but he wasn't also an anti.
He let out a sighed again, and shoved the white paper bag at Elijah's chest. Elijah looked at him, stunned at what he had done, but he ignored it. "I already gave the invitation to Hairah, and she asked me to give you that. Take that, and read every bit of words inside those books. Shove it inside your head. Maybe you'll wake up after you read that." Elijah was about to speak but Neil stopped him. "Even she's faraway, that woman was still hoping and praying for you, hoping that someday you'll wake up. Don't waste her effort." Hindi na hinintay pang magsalita ni Neil ang kaibigan at malalaki ang hakbang na naglakad patungo sa gate.
Wala nang nasabi si Elijah dahil tuluyan nang humakbang papunta sa gate si Neil. Gusto niyang pigilan ang kaibigan ngunit hindi niya din alam kung anong dapat sabihin. Nabuksan na ni Neil ang gate nang muli nitong nilingon si Elijah.
"Anyway, hindi boyfriend ni Hairah ang kasama niya kahapon. It's her friend's boyfriend, and she's doing a favor for them. Nakalimutan niya rin ang cellphone niya sa school noong Friday ng hapon at kahapon niya lang nakuha." Iyon ang huling mga salita ni Neil at tuluyan na itong lumabas ng gate, sumakay ng motor nito at pinaharurot palayo.
Nakatulala lang si Elijah sa kawalan. Laglag ang balikat na pumasok siya sa loob at kahit labag sa loob ay tiningnan ang loob ng paper bag. May dalawang maliit na libro doon. Ang isang kulay berde na may na pamagat Finding Comfort at ang pula ay may pamagat na Being Whole.
It's just a waste of tim—Open it, Elijah.
Reluctantly, Elijah opened the green book. On the first page, there was an eligibly cursive writing that read: There are two roads in life. One is shorter and easier while the other is longer and harder. Blinded with emotions, we tend to look at those roads in different perspectives. Open your eyes, Elijah... Let God guide you with His light. Listen to Him, and He'll guide you with His voice.
Napapikit si Elijah. Sa loob niya'y gusto niyang maniwala sa mga salitang iyon pero hindi niya kaya, masiyadong masakit at mahirap. Wala siyang nakikita maliban sa madilim na daan at bukas.
Listen, my child.
Wala siyang makita kundi ang sakit, lungkot at hirap. Wala siyang marinig kundi ang katahimikan. At tila mas madaling magpalamon sa bawat sakit at lungkot kesa ang hanapin ang liwanag.
*****