DEE
Sinabi ng doctor na cardiac arrest ‘daw ang nangyari kay lola nandito ako ngayon sa chapel para magdasal.
Lord, I'm sorry kung may mga kasalanan kaming nagagawa sa’yo sa’kin niyo nalang po bawiin, ako nalang po ang parusahan niyo huwag po ang lola ko, she's kind, helpful, hindi siya madamot sa kung anong meron siya napakamaunawain niya po please I'm begging you save her she's the only family I have don't let her leave me please? not now may surprise pa ako sa kanya ‘di ko pa po nasasabi na Magna c*m Laude ako siya pa ang magsasabit ng medal sa’kin.
Umiiyak na napayuko ako sa luhuran pabalik na ako sa room niya sa ospital ng makita kong nagkakagulo ang mga doctor at nurse.
“nurse! anong nangyayari?” kinakabahang tanong ko sa isang nurse na nagmamadaling lumabas.
“ma'am kailangan po namin siyang i-revive..” ani nito.
I-revive?!
Automatic na tumulo ang luha ko sa pisngi ng ma-absorb ng utak ko ang nangyayari.
“ma'am mas mabuti kung tawagan niyo na ang iba pa niyang kamag anak, fatal ang attack na natamo niya hindi kinaya ng katawan niya dahil na ‘din sa katandaan, were very sorry..” sabi ni doc.
Dumausdos ako sa balitang sinabi ng doctor sa’kin, hindi! hindi totoo ‘to! masaya lang kami kaninang umaga. Malakas pa siya kanina bago ako pumasok bakit? napatingala ako sa itaas, lola bakit iniwan mo ako? ikaw nalang ang meron ako diba sabi mo ikaw magsusuot ng medalya sa akin? pero bakit? bakit ngayon iniwan mo ko.
Humahagulgol akong napatakip sa mukha ko ng lapitan ako ni manang.
“anak kailangan ‘tong malaman ni Jace..”
natigilan ako sa sinabi ni manang.
Si Jace!
Agad akong tumango at tinawagan siya. Walang sumasagot sa kabilang linya kanina pa ako tumatawag kaya nagpatuloy lang ako.
“hello!” iritadong boses nito ang sumagot sa akin.
“J-Jace it’s me Dee..” sumisinghot na salita ko.
“disturbance!
nasa party ako mamaya ka na tumawag!”akmang ibababa na niya sana ‘yung phone ng muli akong nagsalita.
“sige magparty ka habang kami dito naghihinagpis dahil sa pagkamatay ng lola mo..”
natahimik ang nasa kabilang linya iisipin kong wala akong kausap ‘kung hindi ko naririnig ang paghinga niya.
“it’s n-not a good joke Dee..” napansin ko sa boses niya ang pagkagaralgal tanda ng pagpipigil sa pag iyak at dahil doon ay napahagulgol ulit ako.
“I wish na sana nga I'm just joking around but I'm not..” patuloy ang masaganang luha ko sa pagtulo.
“I'll be home soon..” ‘yun lang ang narinig ko bago maputol ang linya.
Niyakap naman ako ni manang.
“tumahan ka na anak at baka ikaw naman ang magkasakit..” nagpupunas ng luhang sabi ni manang.
Pinaayos ko na ang lahat ng dapat ayusin sa attorney ni lola, siya na ang nag asikaso ng libing ni lola dahil hindi ako makausap ng maayos. Aware ako sa nangyayari sa paligid ko pero ayoko munang makipag usap kahit kanino. Pagkauwi galing sa libing dumiretso ako sa kwarto at umiyak ng umiyak ang bahay na ‘to sa lahat ng sulok nito may alaala kami ni lola.
“I miss you lola..” nakatulugan ko na ang pag iyak.