CHAPTER 2

692 Words
DEE  Nagulantang ako sa kalabog ng pinto sa kwarto ko .kaya nagmadali akong bumangon at binuksan ‘yon Si Jace ang tumambad sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “fix yourself then go to the library..” pagkasabi niya ‘nun ay umalis na ‘din siya hindi na talaga kami in good terms dati pa. Napabuntong hininga nalang ako at walang ganang naligo at nagbihis, after ‘non bumaba na ako. Sa library... “bakit po pinatawag niyo ako attorney..” tanong ko pagpasok ng abutan ang attorney at si Jace. “Ms. Dee babasahin ko na ang last will ni madam carmela..” ani ni Attorney “p-po? pero bakit agad agad? pwede naman pong sa ibang araw nalang pagnakapagbabang luksa na kami diba?” naluluhang sabi ko. “I want to hear it now wala na akong time para sa pagbabang luksang sinasabi mo..”malamig na sabi ni Jace. “well uumpisahan ko nang basahin..” patuloy ni Attorney. “Ang aking buhay ay nagkaroon ng kulay ng dumating kayo sa akin, lubos akong nagpapasalamat at kayo ang ibinigay ng diyos sa akin, kaya naman tanda ng pagiging matapat sa akin binibigyan ko ng 2 million si manang Elly kapalit ng walang humpay na pag aasikaso sa amin, kasama noon ay ang bahay bakasyunan ko sa batangas at para naman sa mahal kong si Dee na nag aruga sa akin at nagpunan ng pangungulila ko sa ina ni Jace ibinibigay ko sa kanya ang mansion at ang yateng Carmela. Maaari mong palitan ang pangalan ng yateng yun hija kasama sa bahay ang lahat ng aking alahas at syempre sa aking apo na lalaki ibinibigay ko ang share ko sa company na 75% sa’yo, ang lahat ng pera ko sa iba’t ibang account ko ay mapupunta ‘din sa’yo..” “so A1ttorney pwede mo na bang ayusin lahat para makabalik na ako sa States?” si Jace. “hindi pa ako tapos hijo..” si Attorney. Napakunot noo naman kami sa sinabi nito. “sige ituloy mo na..” walang kaabog abog na sabi ni Jace. “ngunit sanay maunawaan ninyo mga apo ang ginawa kong probiso, Jace apo, mapupunta lang sa’yo ang mga binanggit ko sa sulat na ito kung ikaw ay magpapakasal kay Dee. Siya ang gusto ko para sa’yo upang magkaroon ng saysay ang buhay mo..” Binato ako ng masamang tingin ni Jace habang ako naman ay hindi makapaniwala. “kung hindi mo siya papakasalan 2 linggo buhat ng mabasa mo ang last will ko ay mauuwi ang lahat sa bahay ampunan na pinanggalingan ni Dee, lubos na nagmamahal lola Carmela..” “anong kalokohan ‘yun Attorney!?” galit na bulyaw ni Jace at masamang tumingin sa akin. “anong sinabi mo sa lola ko at masyado mong nabilog ang ulo niya?” naiiyak na umiling lang ako sa sinabi nito. “malinaw ang nakasaad sa testamento ng lola mo Jace tawagan niyo ako kapag nakapagdesisyon na kayo..” umalis na si Attorney at hinatid ni manang sa gate kaya kaming dalawa nalang ni Jace ang nandito. Tahimik lang ako ng umimik siya. “so I'm rich that must be the reason ‘kung bakit nilason mo ang utak ni lola para pakasalan kita..” naniningkit ang matang sabi ni Jace sa akin. “I'm not into you Jace, wala ‘din akong alam dito..” mahinahong paliwanag ko sa kanya kahit pa naiinsulto na ako. “don't play games with me kunwari lang na hindi mo ako type para pag interesan kita? the usual gimmick! you're so cheap you think I will buy that? well think again..” he twisted his lips in a mocking smile. “I never thought that Jace montiverde was nothing but an assuming person eh?” pang aasar ko sa insultong binato niya sakin. “b***h!” he took my arm I grimaced in pain. “pasalamat ka at hindi ako pumapatol sa isang s**t! hindi ko ibababa ang level ko Dee..” nagtatagis na sabi niya at tinulak ako ng malakas na ikinasubsob ko sa sahig, he just smirked at me then leave.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD