DEE
Nasa terrace ako at nakatanaw sa labas nang makita ko ang papasok na sasakyan sa gate, malamyang binawi ko ang tingin ko sa nagmamay ari ng sasakyan.
“get down! we need to settle things!” nakatingalang sabi niya sa kinaroroonan ko. Hindi ko siya pinansin dahil may pasok pa ako.
Nag unwind lang ako sandal parang ang bilis magbago ng takbo ng buhay ko parang kailan lang tumingin ako sa maaliwalas na langit sana ganoon ‘din kaaliwalas ang nararamdaman ko ngayon pero mukhang imposible ‘yun.
Napaigtad ako ng pabalang na bumukas ang pintuan ng room ko.
“don't you know how to knock?” inis na bulalas ko.
Ngumisi naman siya sa sinabi ko.
“hindi ko alam na private person ka pala, sabi ko mag uusap tayo at pagsinabi ko nangyayari!” narindi ako sa pagsigaw niya sa akin.
“kung iinsultuhin mo lang ako ulit which I think is your habit please spare me! I'm not in the mood besides may pasok ako ngayon..” aalis na sana ako sa harapan nito nang hawakan nito ang kamay ko.
“don't you dare turn your back on me when I'm talking to you w***e!” nanggigigil na sabi niya sakin.
Napapalatak ako sa sinabi niya.
“Mr. Montiverde, tsk tsk! first I'm a b***h then you called me s**t, now a w***e? you have a sense of changing words but giving the same meaning huh..” mataray na sabi ko at pumiglas ako para bitiwan niya ang kamay ko.
“don't be surprise Dee ‘coz your name, smell and even the way you move symbolizes a perfect bitch..” with a grim face Jace said.
“wow! now I'm back for being a b***h?” sarkastikong sabi ko.
“you will always be..” madiin na sabi niya sa pagmumukha ko.
“well, sorry to disappoint you Mr. Montiverde but this b***h that you were calling? will be your soon-to-be bride..” nginitian ko siya ng nang aasar at umalis na. I won't let him insult me again the way he did before.
“you'll regret this Dee mark my words!” tumawa lang ako sa banta nito at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.
Sa school..
“Dee, payag kana ‘daw ba maging muse?”si Pia.
Nakalimutan ko na ang tungkol doon, tumango nalang ako.
“great! ako mag aayos sa’yo..!” excited na sabi ni Pia.
Pauwi na ako ng may tumawag sa phone ko. Ayaw ko sana sagutin dahil nasa daan ako at delikado kaya lang ay makulit ang caller ko.
“hello? sino ‘to?” hindi nakaregister ang number sa akin kaya malamang ‘di ko ‘to kaibigan.
“Friday 5pm beach wedding batangas..” naputol na ang linya at naparolled eyes nalang ako.
I sighed.
I'm right after all ‘di ko nga kaibigan ang tumawag kung hindi kainsultuhan. I have to go to batangas on Friday, hay! as if may option pa ako no choice psh.