3 MASAYANG nangisda kami ni Lawrence sa lugar habang lulan pa ng maliit na bangka, malawak at clear ang tubig ng lake, at iilan lang din ang nangingisda sa paligid kaya naman maaliwalas tingnan. “Here, h’wag mong bibitiwan lalo na kapag may kumagat ng bait mo na worm, understood?” Pagtuturo niya sa ‘kin habang hinahawakan ang fishing rod na hawak ko rin. May mga pang-bait kami sa fish na worms dito, isang maliit na cup tapos isasabit dito sa may fishing rod at ilalaglag sa lake. Tuwang-tuwa talaga ako nang sobra, matagal ko na ‘tong gustong gawin kahit hindi naman ako mahilig mangisda. Buong oras kaming ganoon lang habang hindi matanggal ang ngiti sa mga labi ko, pinapanood lang ako ni Lawrence sa tabi habang masaya rin itong kumukuha ng litrato ko ro’n. “Kapag lumabas na si baby tatl

