2 “YOU SURE you’ll be just fine here?” Natatawang nilingon ko si Lawrence nang marinig ko ang itinanong niya sa ‘kin. Nakailang tanong na iyan ng ganiyan mula pa kanina dahil sa sobrang pag-aalala sa ‘kin. Naiintindihan ko naman kaya nga nag-iingat din ako. Nakabalik na kasi kami ng Pilipinas, almost two weeks na talaga at ngayon ay ready na akong mag-hands on sa work ulit dito sa main branch ng kumpanya. Na-meet ko na rin first week pa lang... no, actually first two days pa lang dito sa Pinas, ang pamangkin ko at si Julie pati na rin sila Dad, nag-bonding kami at doon kami nag-stay sandali ni Lawrence sa bahay ni Dad since naroon ngayon si Julie at ang pamangkin ko. Halos ayaw nga kaming pauwiin sa bahay na binili ni Lawrence malapit dito sa mga kumpanya namin sa Makati sa sobrang pa

