1

3116 Words

BOOK 2 CHAPTER 1 “LAWRENCE...” kinalabit ko si Lawrence at kahit halos naghihilik pa ito ay niyugyog ko ang kaniyang braso para tuluyang magising. Parang alas kwatro pa lang yata ng madaling araw pero gising na gising bigla ang diwa ko. Ganito talaga ako minsan lalo na kapag umaatake ang cravings ko, ang hirap makabalik sa tulog at pakiramdam ko hindi ko kayang ipag-mamaya ‘yung gutom ko sa isang pagkain. Pinaka-mahirap pa ay kung ganitong mga alanganing oras aatake ang gutom ko. Dahil si Lawrence ang pinaka-kawawa. “Hmm?” Ungol niya saka hindi dumidilat na gumalaw ng higa para yakapin ang katawan ko. “Gumising ka muna, hubby, nagugutom ako...” nakangusong bulong ko sa kaniya. Inalis ko ang braso nito na nakayakap sa ‘king beywang saka itinuloy ang pagkalabit sa kaniya. “Lawrence!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD