KABANATA 35: Fake Marriage SIX MONTHS had passed, nagtapos ako sa college noong nakaraang dalawang buwan lang at natapos naman ang full-packed na training ko last week para sa pag-handle ng business, kaya ngayon ay abala na ako sa pag-asikaso ng kumpanya na inilipat ni Daddy sa ilalim ng pangalan ko. Pati na rin sa mga papeles na kailangan ayusin, napaka-stressful wala pa man din ang official na pag-angat ko sa higher na pwesto. “Miss Cathy,” tawag ko sa sekretarya ko. Palabas na sana ito ng pintuan ng aking opisina kaya natigilan siya at bumalik sa harap ng table ko. “Halika, lapit ka pa rito.” Tawag ko sa kaniya habang ibinababa ang hawak na tasa ng kape na siya ang nagtimpla. “A-Ano po iyon, ma’am?” Napunta ang tingin ko sa nanginginig niyang mga kamay na nakasalikop sa isa’t-isa h

