KABANATA 36: Tonight “Good evening!” Masiglang bungad ko kay Lawrence nang makasakay sa kotse nito. “Good evening. Good mood?” Biro niya. “Slight.” Kibit-balikat ko. Katatapos lang ng trabaho ko sa office... ay hindi, pinatapos ko pala ang iba sa mga empleyado ko para pipirma na lang ako bukas sa mga kailangan kong pirmahang papeles. Hindi ko masisisi ang sarili ko, hindi kaya ako makapag-focus kanina pa! Iniisip ko kung bakit ako ang inaya niya ng movie date bigla? Kakasabi niya lang na aayain niya ang babaeng nagugustuhan niya ng ganito kapag libre raw ang oras no’n... assumera pa naman akong babae! Habang nasa byahe ay hindi ko napigilang magkwento at mag-rant patungkol sa kung anu-ano. Pansin ko sa sarili kong ganito ako kapag walang ibang pinagkakaabalahan gawin at ang kas

