KABANATA 37: Misunderstood Pinilit ko na lang na alisin ang kahit anong awkwardness para naman hindi masayang ang gabi kahit na ang totoo ay bahagya talaga akong nakaramdam ng pagka-ilang. Pati ang pagdistansya sa kaniya ay isinantabi ko muna sa ngayon, sayang naman... ngayon nga lang kami nakalabas nang ganito na magkasama magmula noong ikasal kami. Ayokong sirain ang pagkakataon. Kahit ngayon lang kasi sayang... Naramdaman kong iyon din naman ang ginawa ni Lawrence, bigla itong nagkwento ng patungkol sa araw niya sa office, maging sa pag-aaral niya raw sa kusina namin ng pagluluto ng pagkain na pwede niyang ipangtapat sa mga luto ko, pati na rin ‘yung literal na aral niya sa pagmamasteral niya, tapos tinanong niya ‘ko kung kumusta ang araw ko. Kaya naging masigla muli ang atmospher

