KABANATA 38: Another “Sigurado ka bang hindi ka napipilitan lang kaya mo ‘yan sinasabi ngayon?” Pangungulit ni Lawrence dela Merced sa ‘kin habang nakaupo ako sa harapan ng vanity mirror ko rito sa loob ng silid naming dalawa. Kanina pa iyan. Paulit-ulit na nagtatanong mula sa byahe hanggang sa kumain kami ng dinner sa hapag at ngayong matutulog na. Natatawang nilingon ko ito habang may white facial mask na nakadikit sa ‘king buong mukha for my night skin care. “Do you want me to kiss you again for a proof or what?” Hamon ko sa kaniya. Naabutan ko itong nakaupo sa gilid ng kama habang naka-dekwatro ang binti at nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib, looking so confused and worried na baka nga napipilitan lang ako. Nakapag-usap na kami kanina pa. Inamin ko na rin... sa wakas ang n

