KABANATA 39: I Will Wait Nagising na lang ako nang may maramdamang humahalik sa ‘king mga pisngi. Pagmulat ko ay naabutan ko si Lawrence na nakangiti habang pinauulanan ako ng halik sa buong mukha, agad na dumaing ako at nangingiting itinago ang sarili sa loob ng kumot. “Lawrence, let me sleep.” “Kapag ginawa ko iyon mahuhuli tayo sa business meeting ko, sweetheart.” Mariing napapikit ako ng mga mata nang maalalang business trip niya pala ang pakay namin ngayon sa Ilocos Norte at ako ang nagpumilit na sumama. Baka ma-late pa ang asawa ko sa kaartehan ko. Inalis nito ang kumot na pinagtataguan ko saka idinagan ang katawan sa ‘kin para yumakap at guluhin muli ako mula sa pagtulog, agad na naamoy ko ang shower gel na gamit niya palagi, halatang bagong ligo at bahagyang basa pa ang buho

