KABANATA 23: My Fault “Ariani, halika rito may bubulong ako sa ‘yo.” Tawag sa ‘kin ni Myra kaya inilapit ko ang ulo ko sa kaniya. Narito na kami sa loob ng classroom at nakaupo sa kaniya-kaniyang upuan habang si Myra ang nakaupo sa harapan ng kinauupuan ko. “Ano ‘yon?” Tanong ko nang makalapit sa kaniya. “Tignan mo si Belinda mukha siyang zombie na mukhang stressed. Nakakaawa, lapitan natin mamaya sa lunch break baka wala siyang kasama.” Bulong niya sa kaliwang tainga ko kaya awtomatikong hinanap ko ang kinauupuan nito sa mismong first row. Naroon na nga si Belinda at bahagyang magulo pa ang buhok na parang hinangin sa labas o nakalimutan magsuklay, lumingon pa ito sa ‘kin nang siguro maramdamang may nakatitig sa kaniya kaya nagulat na tumikhim na lang ako. Sabay kaming nag-iwas ng tin

