KABANATA 22: Not Involved “1 pint of Raspberry chip Ice Cream for you.” Nag-angat ako ng tingin kay Lawrence dela Merced na nakangiting umuupo sa ‘king tabi saka naglalagay ng 1 pint Raspberry chip-flavored ice cream at isa pang strawberry-flavored ice cream para sa kaniya. “Ang laki naman nito, sa ‘kin lang ‘to?” Matamlay na saad ko habang tinitignan ang ice cream sa harapan ko. “A pint of ice cream like this could have up to about 1,000 calories. Baka tatlong subo lang ako dito, mini-maintain ko pa ang timbang at figure ko.” Mabagal na sambit ko. Dinala niya ‘ko sa... uh ewan ko, basta ice cream house na medyo may kalayuan sa Harrison University, kahit gala akong tao ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ‘to. Maraming iba’t-ibang flavor ng ice cream sa counter, marami ring vacant t

