KABANATA 21: Unfair “Marami na siyang violation, 30-days community service na ang ipapagawa ko sa kaniya pati sa mga kaibigan niya.” Pagdesisyon ni Lawrence habang naglalakad at nag-uusap kami rito sa corridor. Ang tinutukoy niya ay si Sean. Mayabang pa kasing sumagot-sagot ito kanina kahit nananahimik na ang mga kaibigan niya sa pagdating ni dela Merced. Puro hangin talaga ang laman ng ulo. Ang ikinakabahala ko lang ay ‘yong binanggit nitong may mga bago na naman siyang video nila ni Belinda na gustong ilabas sa public, para lang sa rason na pwede niyang i-blackmail si Belinda at magamit na naman ang katawan niya. Kinilabutan ako sa isiping iyon. Alam ko namang nilulubog na ng kumalat na scandal video ang pagkatao ni Belinda pero kung dadagdagan pa iyon ni Sean... for sure lalo lang

