KABANATA 20: Boundaries Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan ay inaya ako nito na pumasok sa loob ng kaniyang bahay. Nahihiyang sumunod ako para maupo sa couch nito saka niya binuksan ang aircon sa living room at magtungo sa kitchen. Mabigat ang loob na napabuntong-hininga ako. Ang lakas lang ng epekto ni Lawrence dela Merced sa ‘kin at sa mga nangyayari sa ‘kin, naaapektuhan agad ako ng mga sinasabi niya. Siguro gano’n talaga dahil may sense palagi ang mga sinasabi nito. Nasanay akong puro mga gagong lalaki lang ang nakapaligid sa ‘kin noon pa. Akala ko nga cool na maging malapit at madikit kay Sean. Ngayon ay parang napapailing na lang ako, though nagre-reflect pa lang ako sa mga nangyayari. “So... care to share what really pushed you to request that kind of awful favor to your

