KABANATA 19: New Friend "Ang lala mo, Ariani. Wala naman akong ginagawang masama sa 'yo kaya bakit mo iyon magagawa sa 'kin?" "A-Ano bang sinasabi mo riyan, sure ka ba... sure ka na bang nagsasabi ng totoo si Sean?!" Singhal ko sa kaniya kahit na nanginginig na ang mga kamay ko sa kaba. "Palagi ka namang pinagsisinungalingan no'n! Noong sinabihan ka nga niya na gusto ka niya, paniwalang-paniwala ka na! Kahit hindi naman talaga totoo! Pathetic!" Sarkastikong nagpeke ako ng tawa. Siyempre, iyon naman talaga ang totoo. Pero bakit ako aamin? Deserved niya naman iyon! Okay sa 'kin ang araw-araw na pakikialam niya sa buhay ko sa university pero nagpantig lang talaga ang tainga ko noong narinig kong pati si Lawrence ay nilalapitan niya. Napapagod na akong palaging pinakikialamanan ang ak

