KABANATA 42: Unregistered Number Nawala kay Conrad ang atensyon ko nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Sa pagkakataong iyon ay kasabay yatang nahulog ng mga luha sa ‘king pisngi ang puso ko sa pagkabigla. Si Lawrence ang iniluwa ng pinto, nagulat ito nang makita akong umiiyak kaya agad akong nag-iwas ng tingin, mula sa ‘king peripheral vision ay napansin ko namang napalingon ito ngayon kay Conrad maging sa kakaibang pwesto nito na parang nasasaktan pa rin sa masakit na paa, hanggang sa nabasag na mga bubog sa sahig. “Ariani, anong nangyayari rito?” Dinig kong tanong niya sa ‘kin saka nagmamadaling nilapitan ako at hinawakan sa braso. Mabilis na iniwas ko pa rin ang aking mukha at patagong pinunasan ang mga luha, magtataka siya kapag nakita niyang umiiyak ako. “W-Wala

