KABANATA 41: Didn't Ask For It Hindi na ako nilubayan ng kaba ko hanggang sa makabalik kami ng city ni Lawrence, pinipilit ko namang umakto nang normal pero pakiramdam ko hindi ko talaga magawa. Kilala ko kasi ang ugali ni Conrad, mapilit siya at masiyadong manipulative. Gusto niyang umayon ang lahat ng nangyayari sa gusto niya. Pero ako pa rin naman ang CEO sa kumpanya at ang may pinaka-mataas na posisyon sa lugar na iyon, tatapusin ko na lang ang kaba na ‘to sa pamamagitan ng pagsesante sa kaniya roon. Nang hindi na rin magkrus pa ang landas naming dalawa. Lalo na ang kanila ni Lawrence ngayong umaayos na ang sitwasyon sa pagitan naming mag-asawa. Conrad Santos is one of my employee under Public Relations and Advertising Department, mas matanda siya sa ‘kin ng dalawang taon at mata

