KABANATA 30: Phone Text Inunat ko ang aking mga braso at balikat pagkalabas ng silid, umaga na ngayon at halos humawak ako sa mga wall na nadadaanan ko dahil sa bahagya pa ring pag-ikot ng paningin ko dulot ng hangover. Naalala ko pa rin naman ang lahat kagabi, well hindi naman lahat-lahat pero ‘yong mga mahahalagang detalye oo. “Kapag nakita ko ‘yong Sean na iyon, sisipain ko talaga sa ari. Ang kapal ng mukhang sampalin at sabunutan ako kagabi, pasalamat talaga siya lasing at hilo ako kagabi.” Rant ko sa hangin habang itinatali ang buhok at naglalakad patungo sa pintuan. Mabilisan kasing nag-ayos ako ng sarili sa cr nang magising dulot ng narinig na malakas na door bell. Room service yata ng food. Hindi pa man ako nakakalapit nang tuluyan sa pintuan nang kusang bumukas na ito at una

