KABANATA 29: Rest Nagkasiyahan lang kami hanggang sa tuluyang lumalim ang gabi, mas lalong naging magulo ang gabi ko nang sigang dumating si Sean at ang mga barkada nito sa lugar. Siyempre, agaw-pansin sila. Iniiwasan sila ng mga tao dahil alam ng lahat kung gaano kayabang ang mga ito, pinagtutungga at inaagaw ang mga baso ng mga taong nadaraanan saka mananapak ng mga lalaking alam nilang hindi naman papalag. “Ariani! Nandito pala ang fiancee ko!” Humahalakhak na bungad nito nang makarating sa pwesto namin. Pabagsak na naupo sa tabi ko at inilagay ang mga braso sa headrest ng couch. Hindi pa nakuntento at inilapit pa ang mukha sa pisngi ko saka humalik doon. Lasing na ang gago. “Nagpapakasaya ako rito, Sean, lubayan mo muna ako.” Irap ko rito. “Grabe talaga ano? Sinong mag-aakala na

