"Ate Tanya, tara na sa loob," pag-aaya ni Lian. Pero pinauna ko na si Lian na pumasok sa loob. At tiningnan sina Gibernador at Azilan na naglalakad palayo sa akin upang makalapit sa dala-dalang sasakyan ni Azilan kanina. Mukhang may pinag-uusapan din ang mga ito habang humahakbang. Bahagya kasi silang lumilinga sa gawi ko. Pinagtatawanan ba nila ako o marahil hinuhusgahan na nila ang ugali ko? Pero mabuti na 'yon upang hindi na sila bumalik-balik dito. Sige lamang at maging dismayado sila sa akin upang hindi na sila bumalik pa. Kundi ay pareho ko silang isasabit sa taas ng puno ng mangga kapag bumalik sila bukas! Iniwan din talaga ni Gobernador ang sako ng mangga sa paanan ko. Hindi niya 'yon inuwi at higit sa lahat ay hindi kumuha ng kahit isa man lang. "Tangina talaga, hindi pa

