Kabanata 5 - Bitiw

1236 Words

Sobrang aga at ganda ng gising ko kinabukasan. Ibang-iba sa mabigat na pakiramdam ko sa mga nagdaang araw. Marahil dahil sa wala akong iniisip ngayon at dahil sa igagala rin ako ni Lian sa buong isla. "Bakit dito pa tayo sa labas maliligo, Lian? Eh, may banyo naman sa loob," saad ko habang sinusundan ito sa may bakuran kung nasaan may poso. "Ate Tanya, hindi n'yo madarama ang probinsya kung ayaw n'yong subukang maligo sa labas," payo nito na 'di ko na lamang kinontra pa. Kasalukuyan itong nag-iigib sa poso habang ako ay ito at nakaupong nilalamig kahit hindi pa nabubuhusan ng tubig. "Nakakamatay ang lamig kapag ganito kaaga," nasambit ko habang yakap-yakap ang mga binti ko. "Nakakagising ng kaluluwa po ang lamig, hindi po ba?" natatawang tanong nito na ngiting ikinatango ko na lang di

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD