Nang matapos ang misa, hindi agad umalis ang ibang mga tao. Gaya ko, hinintay kong magbasbas ang Pari. Humilera ang iba sa aisle. Puwesto ako sa bandang gitna kung saan mas matatapunan ng banal na tubig.
Pumikit ako. Dinama. Ibang feeling ang nadarama ko sa tuwing na babasbasan ng holy water. Pati nga insenso gustong-gusto ko ang amoy. Kaya na pagtanto kong hindi pala ako isang engkanto. Hindi ako takot sa amoy nito. Nababanguhan pa nga.
Instead, I feel--- refreshed, energized and blessed. Lahat ng problema ko na-i-ibsan dahil dito. I hope lahat ng tao nararamdaman din ito.
"Gumawa ng tama na na-a-ayon sa salita ng Diyos. Huwag sa makamundong kasamaan."
Laging 'yan ang naririnig ko sa aking mga magulang. Na Inulit ng pari sa kanyang homiliya kanina.
Nilabas ko ang panyo, inilahad ko sa aking harap. Ganito ang ginagawa nang aking nanay kung nagsisimba kami. Nakasanayan ko na rin. Hindi naman ako banal na banal, sakto lang.
Pagkatapos inilapit ko ito sa aking dibdib. Dinama ang presensiya niya. Isa isang umalis ang mga tao pagkatapos. Hinayaan ko muna sila. Ayaw ko makipagsiksikan. Umupo muna ako sa pinakamalapit na upuan. Nagmuni-muni. Hindi naman ako nagmamadali gusto ko lang magpahinga. By medicating my soul.
Isa pa, wala naman akong trabaho ngayon. Kakatapos lang kanina. Magpapahinga lang ako sa bahay. Maglilibot na lang muna ako sa gilid ng simbahan. Ang iba kasi ay dumiretso sa gilid papunta sa taas. Nagtiyaga silang pumila roon para makita at mahawakan ang puong Nazareno. Ang iba naman ay namasyal sa malapit na mall.
While me, hmmm, i-ikutin ko lang mula sa harap at gilid kung saan makikita ang iba pang mga larawan ng deboto.
Ah, after nito, bakit hindi na lang ako mag-grocery? Tutal wala naman akong gagawin. Hindi pa naman ako sina-saniban nang antok.
Tinignan ko ang aking pitaka kung may laman, ba. Meron naman, sakto pa naman ito. Inikot ikot ko muna ang harapan ng simbahan. Madaming nagtitinda dito ng mga anting-anting, mga pampa-swerte daw, mga pang hilot at mga gamot na inumin.
"Ale, may gamot ka ba d'yan? Ahm, pampahilab?" Mahinang bulong nang isang babaeng maputi at may mahabang buhok.
Naka-jacket ito ng itim. Nasa gilid ko ito, hawak ang bag sa kanyang tiyan. Niyayakap niya na iyon. Parang takot na takot mahablot nang kung sino.
Nagtitingin ako ng mga keychains at mga purselas nang lumapit siya at nagtanong sa tinderang ale.
Ang init, tirik na ang araw. Pero balot na balot siya. Para pa itong namumutla. Dala nang kuryosidad, lumapit ako nang kaunti.
Nagtataka kasi ako, bakit kasi pampahilab? Hindi ba siya makatae? At kailangan pa niya ng ganoon?
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang kanilang usapan. Hindi ko na natapos ang usapan nila, hindi ko kayang marinig. Umalis ako doon. Hindi ko na nga binili ang natipuhang purselas na may mga mali-liit na hugis hayop. Dahil sa mga hayok na ito!
Grabe, 'di ba? Sa harap pa mismo ng simbahan tapos kung ano-anong tini-tinda nila. Na rinig ko mula sa isang tindera na pampa-dugo daw iyon, kung ayaw mo pa magka-anak pwede mo iyon inumin. Ka-sabay nang langis na pang hilot. Siguradong wala na daw siyang problemang haharapin.
Tsk, gagawa-gawa nang milagyo . . .ay, hindi, hindi milagro ang tawag doon. Kasamaan! Tsk!
May kasabihan nga, 'panandaliang sarap, problema ang kaharap.' Tsk! Sana, patawarin sila nang panginoon.
Bumili lang ako nang ma-a-almusal sa gilid ng bangketa. Isang hotcake na binudburan ng puting asukal at isang plastic na basong puno nang nahiwang melon.
Kinakain ko iyon habang naglalakad ako papuntang over pass. Sa ibabang bahagi noon ay may mga tindahan, mga groserihan at mga botika. May mga kainan din at marami pang iba.
Bitbit ang mga dala, sumakay ako ng jeep pa-uwi. Dalawa lang naman na supot ito. Madali lang at magaan. Mga stock ko lang itong tinapay, sardinas at mga noodles. Bumili rin ako nang Milo. Sa sakto na ito sa susunod kong sahod.
"Kuya, pa-abot po, salamat."
Inabot ng lalaki ang perang pamasahe ko. Ngunit, may kasama iyon na himas sa aking kamay. Agad kong hinila at umusog ng kaunti sa pintuan ng jeep. Buti na lang dito 'ko na isipan pumuwesto. Malayo sa kanya. May dalawa pang babae sa pagitan namin.
Pawisan ako ng dumating sa building namin. Nilakad ko lang mula sa babaan ng jeep hanggang dito sa bahay.
Nadaanan ko sa kabilang kwarto ang ibang tenant. Nagsasampay sila ng kanilang mga nilabhang damit. Pinasadahan nila ako nang irap at ismid.
Wala naman ako paki-alam. Sayang lang dahil wala ako kakilala ni isa man sa kanila.
Inaayos ko sa kabinet ang mga binili nang tumunog ang aking cellphone. Si Mira iyon.
Nagpapasamang bumili ng ibang rekado sa kanyang ilulutong ulam para sa linggo. Agad naman akong u-mo-o. Wala naman akong gagawin bukas bukod sa maglilinis ng maliit kong bahay. Matutulungan ko pa siya sa kanyang sideline.
"Ahh, sarap," saad ko.
Pa-dabog akong humiga sa aking kama.
"Pa-hinga time na," I said my little prayer. Before dropping my mind into deep sleep.
***
Knock, knock, knock.
Naririnig kong may kuma-katok, tinapos ko agad ang pagsisipilyo. Inabot ang tuwalya sa likod ng pinto. Lumabas ako habang pinupunasan ang bibig.
Tuloy pa rin ang mga katok. Sinagot ko iyon nang 'sandali lang', habang naglalakad papunta doon.
"Ang aga mo naman, sis."
Nilakihan ko ang bukas ng pinto, pumasok siyang may mga dalang malalaking bag na walang laman.
"Para hindi tayo ma-traffic mamaya, sis. Kumain ka na ba? May dala akong pandesal. Binili ko d'yan sa kanto niyo."
Saad niya habang nilalabas ang isang supot nang tinapay.
"Kape or Milo? Sarap i-sawsaw ni'yan." Agad akong kumuha ng dalawang tasa. Nilagyan ko ng tubig ang takure bago sinalang.
"Kape, sis. Hindi na ako bata para sa Milo."
"So, isip bata ako?" Mapaghamong saad ko. Tumawa siya. "Muk'ang bata, pwede pa!," dagdag ko. Tumawa kaming dalawa.
Kinuha ko ang isang bote ng peanut butter. Nilagay ko iyon sa tapat niya. Naglabas ako ng kutsara. Agad naman siyang nagpalaman sa tinapay.
"Ano bang iluluto mo bukas? Madami ba?"
Tanong ko sa kanya. Kasi dati naman hindi siya nagpapatulong mamalengke dahil isang kilo lang naman ang niluluto niya bawat putahe.
"Menudo, Kaldereta, Chopsuey at Shanghai. Sama mo pa, sampung llanerang leche flan at singkwentang fried chicken."
Sagot niyang kumakagat sa tinapay, na parang boring na boring sa kanyang sinasabi.
"Ohh, ang dami!?" Gulat kong tanong, saan niya ibebenta iyon, 'bat ang dami? Siguro tag-i-isang kilo lang.
"Kasi, umorder sa akin si Chico boy, kesa raw sa iba, sa akin na lang. Sayang naman tanggihan, 'di ba? Datung na 'yon. Isa pa, nag-down na siya kaya may puhunan na ako."
Proud niyang saad, kinibot-kibot pa ang kanyang mga kilay. Napapapalakpak ako ng 'di oras. Iba din, para-paraan nitong si instik.
"Talaga? may libre ako d'yan, ha? Kahit tag-iisang mangkok lang bawat putahe." Humigop ako sa aking mainit na inumin.
"Pero, bakit? Anong okasyon at nagpaluto siya nang ganoon karami?" Dagdag kong tanong, tinabingi ang ulo sa harap niya.
"Anniversary nang parents nila," tumango na lang ako bilang sagot. "Pero, sis. Ano kasi. . ." Nahihiya niyang tuloy, na pa-ayos ito nang upo.
"Hmm," tinunga ko ang tasa. Dinilaan ang kutsarang may palaman bago tumayo para ilagay sa lababo ang mga ginamit.
"Pwede bang dito ko iluto?kasi alam mo naman walang space sa apartment namin. Please, hindi lang isang mangkok ibibigay ko. Babayaran ko rin gas mo. Please!" Paki-usap niya. Pinagsalikop pa ang mga kamay sa ibabang labi.
"Sure, sayang din 'yan pandagdag ipon mo. Pero, wala ako ibang gamit dito panluto, ah. Dalhin mo lahat ng mga kailangan mo."
Walang isip-isip na sagot ko. Wala naman problema. Makakain pa ako nang masarap. Madami 'yun! Excited ako, parang natitikman ko na sa dulo ng aking dila. Hmm, leche flan. Mala-dragon kong saad sa isip.
"Oo. Salamat, besheeee. Love you talaga." Bolera. . . niyakap niya ako. Akmang hahalikan pero nilayo ko ang mukha niya. Napa-irap ako sa babaeng 'to.
Umalis na kami pagkatapos maghugas ng pinagkainan. Nilakad namin ang daan papunta sa sakayan. Mahal kasi magtrisikel, okay naman lakarin. Exercise pa. Hindi pa naman gan'ong ka-init.
Sinuri-suri niyang mabuti ang mga binibiling karne at gulay. Alam na alam talaga niya ang mga bagay na ito. Tinuruan niya ako ng mga tips na ngayon ko lang nalaman.
"Dapat sa gulay, hindi lang sa pang labas ang titignan mo. Dapat hinihipo mo din. Kung pwede, amoyin mo rin. Kasi, 'di ba sabi sa balita, nilalagyan nila 'yan ng pormalin ba 'yun? Eh, pang dedok yata 'yon, 'di ba?"
Mga negosyante nga naman, basta ma-benta ang mga produkto kahit nakakamatay sa kapwa, sige lang. Kaya madaming naglalabasang sakit ngayon, eh. Bukod sa mga chemikal na pataba sa pangtatanim. Nilalagyan pa nila ng mga ganoon para hindi madaling mabulok. Tsk. Na-pa-iling-iling na lang ako.
"Sa itlog, paano na 'tin dadalhin? Hindi ba mababasag? Ang dami na nito. Ang bigat na. Trisikel na lang tayo pa balik sa apartment ko. Ay, wait? Paano mo ito itatago? Mabubulok ang mga karne, wala pa naman akong ref."
Nag-aalala ako baka masira lang, sa mga gulay at ibang rekado pwede pa. Pero sa mga karne at itong atay ng baboy at manok. Babaho!
"Don't ya' worry ma' friend. Payag si Chico i-store ko ang iba sa bahay nila. Dadaanan ko na lang bukas nang maaga. Bago pumunta sa inyo para mag- cooking."
Ah, na plano naman na pala n'ya. Ayos!
"Sa bahay ka na rin matulog if you want ma' friend. Para maghiwa at magbalat tayo ng ibang ingredients. Para bukas magluluto ka na lang."
Lintanya ko sa kanya habang inaayos ang buhok, inipitan ko iyon ng pa-bilog sa tuktok ng aking ulo.
Nagulat ako nang yumakap siya sa akin. Nagpasalamat dahil sa maliit na bagay na ito. Sus, sabi ko nga may pang-ulam ako. That's why. Natawa ako sa aking sarili.
Nagpatulong kami sa trisikel driver para ma-i-akyat ang mga ibang pinamili. Mabibigat na ang mga ito. Halos hindi na namin mabuhat dalawa ni Mira sa hagdanan.
Mga trentang ka-tao daw kasi ang a-atend. Mula sa mga pamilya nila Chico sa kanilang probinsiya. Kaya ito, parang mapupuno ang buong apartment ko sa dami. Wala pa 'yong mga gamit na dadaanan niya mamaya sa kanila.
Pagod kaming na pa-upo sa sofa. Agad kong hinagis ang tsinelas pagkahubad. Tinanggal ang maliit na bag sa balikat.
"Ahhh, besheeee! Ka-pagod! My katawan is hurting." Maarte at ma-drama niyang saad. Hinipo-hipo niya pa ang kanyang mga binti.
"Mahirap pala kung magtatayo ka nang catering services. Ma-trabaho."
Nauuhaw na ako. Pero pagod at tamad na tamad nang tumayo para kunin ang malamig na biniling softdrinks ni Mira sa baba. Isang malaking bote iyon. Sarap sana lagukin!
Sa huli, siya na ang tumayo. Kumuha ng dalawang baso. Pinagsaluhan naming dalawa ang biniling kamote que sa daan.
Ang sarap talaga kumain lalo na kung pagod.
Inayos namin lahat ng pinamili pagkatapos magpahinga. Nagsaing muna ako sa rice cooker. May binili naman kaming lutong ulam. Kaya pwede na.
Ibinukod ko ang mga karne, manok, at iba pang kailangan ilagay sa ref. Inayos naman niya ang mga gulay at mga ibang sangkap.
Idadaan niya muna ito kila Chico bago umuwi sa tahanan niya para kumuha nang gamit. Ang iba daw, ipapahiram ni Chico mula sa kanilang bahay para may magamit siya.
"Ang fried manok mo? I-ma-marinade na ba na 'tin muna bago mo ipa-ref kila Chico or bukas na?" Binanlawan ko ang mga ito. Ang atay ay hiniwa na. Siya naman binanlawan ang mga karne.
"Oo sana, kung okay lang." Saad niya, pouting na akala mo bata. I chuckled.
"Oo nga, gawin mo dapat mong gawin. Nag-e-enjoy kaya ako. Bukas tutulong ako magluto, ha?"
"Sus, oo naman, mas magaling ka kaya magluto." Binunggo niya ang balikat ko. Sabay ngisi. "Salamat nang marami, Aaliyah."
Ayan na naman tayo, eh. Iiyak na ba ako?
"Kaka-pasalamat mo, dagdagan mo nag dalawang llanera ang sa akin." Pa-biro ko sa kanya na ikinatawa namin.
Nang magtanghali, kumain muna kami ng tanghalian bago siya umalis.
Isang sisig at isang dinuguan ang ulam namin. Ang sarap nang sisig. Medyo ma-anghang at mamayonaise ito. Dinagdagan ko pa ng kalamansi. Kaya, butad akong na pa-dighay sa sobrang busog.
Thank you, Lord.
Nirekaduhan muna namin ang manok, ginisa ang pang shanghai. Kahit na gusto namin hindi na i-ref 'yun para ma-ibalot mamaya. Kaya lang baka masira iyon sa sobrang init. Masira pa mga tiyan ng mga kakain na future family ni Mira.
"Sis, ingat. Sakay ka na lang ng trysi. Baka ma-initan niyang mga dala mo." Hinatid ko siya sa baba, dahil may mga kabigatan din ang mga ito.
"Oo nga," luminga linga kami. Sakto naman may dumaan.
"Pagmadami kang dala, upa ka na lang ulit mamaya ng sasakyan, or text mo 'ko."
Pwede ko naman talaga siyang samahan kaso. Mag-hihiwalay ako ng puti at dilaw na itlog para sa panghimagas nila. Para ma-i-salang na mamaya.
"Sige, sige." Kumaway ako sa kanya. Agad din pumasok dahil sa mga tambay na nagsisipulan sa tabi.
Hay, ang aga-aga pa pero mga lasing na sila. Nakakabastos ang mga tingin nila na akala mo hinuhubaran ka na sa tingin. Dali-dali akong umakyat sa taas.
Ginawa ang dapat kong gawin.