Chapter 4

1845 Words
Binuksan ko na ang pintuan. He scanned my place. Iniikot ang mga mata sa buong bahay ko. Nakangusong hinawakan niya ang doorknob. Iniikot-ikot ito sabay umiling-iling. Itiningala niya ang ceiling na kulay itim na dahil sa kalumaan. Tumikhim ako, "Ahm, upo ka muna, Sir. Anong gusto mo? Kape-?" nagtungo ako sa aking maliit na kusina. Tinignan ang kabinet. "Sorry, Sir. Wala kasi ako ibang maaalok sa 'yo. Pero pwede naman. . . juice gusto mo? Sandali bibili lang ako sa--." hindi ko na natapos ang sasabihin nang tumawa siya. Wala naman talaga akong stocks. Bukod sa mga natitirang tinapay galing sa store. Wala na. Kung sa juice naman. Kailangan ko pang bumili sa baba para sa pakete ng juice at sa yelo. Tumawa siya, "You're so cute! Huwag ka na mag-abala," he said. Nagtungo sa maliit na sofa sa gilid ng sala. "Gaano ka na katagal dito?" dagdag tanong niya habang pinapasadahan nang tingin ang mga ilang gamit ko. Wala naman ako masyadong gamit dito. Maliban sa sala na may sofa at maliit na kabinet na walang laman. Sa pinaka-gitna ay may maliit na lamesita. At isang upuang mahaba na plastic katapat ng sofa sa tabi ng maliit na bintana. Karugtong nito ay ang kusina. Mayroon lang akong lamesang pang apatan at dalawang monoblock chairs. May single burner stove ako at isang rice cooker na mula pa sa bahay namin sa probinsiya. At mga ilang gamit sa pagluluto at sa pagkain. Bukod doon wala na. Sa gilid nito ay ang banyo. Maliit lang iyon. Sa pinaka kanan ay ang kwarto ko. Na mayroon pang dalawahan kama, durabox at lamesa sa gilid ng kama ko. Ang ilang mga gamit dito ay provided na nang may-ari. Maliit lamang itong apartment ko tamang-tama lang sa akin. Mura pa, mas malapit pa sa trabaho ko. Tipid pa sa pamasahe. Kahit magulo ang mga kapit-bahay ay okay na. Huwag nang umangal, 'di tayo mayaman. "Mga pitong buwan na rin," sagot kong kumukuha ng dalawang tasa sa kabinet. "Sorry, ha. Medyo mainit kasi wala akong electric fan dito. Pasensiya na." Matapos kong haluin ang kape niya, Milo naman ang sa akin. Dinala ko ito sa sala, Inabot ko ang sa kanya. Agad naman siyang tumayo para abutin ito. Inilapag niya iyon sa lamesa bago umupo. Agad na lumangitngit ang upuan. Parang nagrereklamo sa bigat ng taong umupo. "Thanks, is this place is safe? Sorry, not to offend you pero mag-isa ka lang dito, babae ka pa." pinagsawalang bahala ko ang sinabi niya tinawanan ko lang siya. Nakakunot ang mga noo nito, parang iritado dahil siguro sa init o sa sikip ng lugar ko. Kulit mo din kasi, eh. No? Sabi nang huwag nang tumuloy. Kastigo ko sa kanya sa aking isip. Dahil hindi ko naman masabi iyon sa kanya. Niligtas niya kaya ako sa isang drunken master. Hindi ko pa nga alam kung paano siya mababayaran doon. "Hindi naman po, wala pa naman nangyayaring ganoon. Safe naman po dito," saad kong sinusuri ang reaksiyon nito. kahit na lugar ito nang mga lasinggero at iba pang mga hindi ko alam na klase nang tao. Hanggang tingin at paswit lang naman ang nararanasan ko. Wala pang nangahas na bastusin ako na sana hindi mangyari. Tama na iyong sa drunken bastard na 'yon. Sa laki niyang tao akala ko masisira ang sofa. Matagal na 'yon, bago pa man ako umupa dito andito na 'to. Akala ko nga bibigay sa laking tae . . .tao niyang 'yan. Sa totoo lang, pang tatlohang tao talaga ang sofa na ito nagmistulang single sofa lang sa laking tao niya. May mga butil-butil nang pawis sa kanyang noo. Tsked! Hindi naman ako nahihiya sa pamumuhay ko pero kasi kawawa naman siya. Siguradong hindi sanay na mainitan 'tong lalaking 'to. "Safe? Eh, isang sipa lang yata masisira na 'yang pintuan mo." tumaas nang kaunti ang boses nito. Nagulat ako pero agad din nakasagot nang tawa. "Hindi naman, at saka may mga double lock 'yan, 'di madaling masira." Lahat ng bintana dito ay may double lock, babae din kasi ang dating umupa dito. Siguro pinasadya niya 'yon. Sa kwarto ko tatlo ang lock. Maliban sa pintuan nang banyo. Sira ang lock noon at naka-awang pa. Ayos lang naman sa akin dahil ako lang naman ang mag-isa dito. Basta walang sira o tagas ang mga tubo at lababo ay okay na. keri-bells na 'yan! "Tsk, kung pwede lang sa bahay ka na umuwi." mahina pero narinig ko pa rin. Napaiwas siya nang tingin. "Hmm, pwede yata, ah. Hiring ba kayo ng katulong? Pwede na 'yon. Magkano ba bigayan?" pagbibiro ko. Hindi na siguro masama. Galante naman siya, mataas din siguro siya magpasweldo. Free accomodation with food pa. Pwede na, gwapo pa magiging boss ko. Bumuntong hininga siya. Ang lalim naman noon? Inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa. "What's your phone number? Textmate tayo or callmate," saad niya habang sumi-simsim sa kanyang kapeng 3-in-1. "Naku, Sir. Wala po akong load, minsan lang ako magload kung tatawag sa mga magulang ko sa probinsiya. Pero sige ito po, 0951*******." Nagtipa siya sa kanyang cellphone. Naghintay lang ako nang isasagot niya. Nagtagal siya sa pagtitipa kaya sinilip ko ang ginagawa nito nang bigla niya iyong inilayo sa akin. Napanguso ako, damot! Siguro may babaeng naka-sexy o may ka-text siya kaya ayaw ipakita. Titignan ko lang naman kung anong pangalan ko ang nilagay niya, eh. Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Tumayo ako para kunin sa lamesang nasa kusina. Unknown number? Sino kaya ito? "Save my number, that's mine. Call me anytime, anywhere. Okay? Kahit ano pa 'yan." ma-autoridad niyang saad. Bumalik ako sa upuan. Habang sini-save ang numero nito. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. "Sa faceApp Sir, ayaw mo? Pabirong dagdag ko. Napatabingi ang ulo niya. Hinipo ng kamay niya ang kanyang baba. Nag-iisip kung ibibigay ba. Hmm, damot talaga. Siguro madaming followers 'to? Sayang, parang ayaw niyang ibigay. Is-stalk ko pa naman sana siya. "Sure, ano ba pangalan mo sa FaceApp? Add na lang kita mamaya." "Kung ano lang po buong pangalan ko, Sir. Aaliyah Carpio." -- Santiago. Kahit ako na pahinto sa sariling na isip. Pero bakit parang ang sarap sa pakiramdam. Ang sarap pakingggan. Parang bagay. "Okay," saad niyang nakangiti, ayan na naman ang puso kong nagwawala sa cage nito. Sa mga tingin at ngiti niyang iyon. Hay, self! Kalma tayo baka mawalan tayo ng puso n'yan. "Sige, alis na ako. Ina-antok na rin ako." tumayo siya at nag-inat-inat. "Ikaw kasi Sir, eh. Sinabi ko na sa 'yong umuwi ka na kanina. Salamat pala sa food, sa pagsama at paghatid sa akin ngayon. Maraming maraming salamat sa pagtanggol sa akin sa store. Ikaw na yata ang knights with shining armor ko." tumayo na rin ako, sabay kaming nagtungo sa pintuan. "Wala iyon, sa susunod mag-iingat ka. And call me. Ako nga mag-ta-thank you sa 'yo. I enjoyed your company, parang gusto kong gabi-gabihin," natatawa niyang saad. Huminto kami sa likod ng pintuan. "Hindi ka tatagal dito Sir, mainit." "Kahit saan pa 'yan, and stop calling me, Sir. Harold na lang. Friends na tayo, 'di ba?" he chuckled, tinitigan ako. Nakaka-ilang ang mga titig niyang iyon. Hindi naman sa nakakabastos pero iba ang dating sa kaibuturan ko. May kung anong gumagalaw sa tiyan ko. Hala!? Huwag naman sana! Wala naman siguro akong mga uod o baka anaconda na 'yon!? Hmm. Self, magtigil ka nga, kung may anaconda na tayo. Ayaw mo ba 'yon? Makakakain na na 'tin nang buo 'yang kausap mo. Yummy! Sabi ng demonyo kong utak. Tsked. Natatawa ako sa na isip, kagat-labi akong yumuko para maitago ang mga ngiti ko. Kamusta naman ang pisngi ko? "And, call me anytime, anywhere. Kahit ano pang ginagawa ko. I'll answer it. Okay?" Siya na ang nagbukas ng pintuan dahil nakayuko lang ako. Nahihiya. Alam kong kulay kamatis na ang mukha ko dahil sa epekto ng mga titig n'yang iyon. "Bye, Sir. Ingat ka po sa pag-da-drive. Puyat ka pa naman," he chuckled again, kung sa iba ayaw iyon dahil parang naiinis o nagagalit ka. Pero, bakit siya? Parang ang sexy. . . Ang hot. Oh? Napa-irap ako sa sarili. Humakbang ako palabas para ihatid siya sana sa ibaba. Ngunit pinigilan niya ako. Huwag na daw ako lalabas, sinabihan pa niya akong hindi siya aalis kung hindi ko isasara ang pintuan. Dahil sa hiya sa mga kapitbahay kong nakamasid, ginawa ko na lang. Hinintay pa niyang maisara ko nga iyon. Ayaw ko sana dahil parang nakakabastos pagsarahan siya ng pinto at ano na lang sasabihin ng mga kapit-bahay ko. Sa huli ginawa ko na lang ang sinasabi niya. Napasandal ako sa likod ng pinto pagkasara nito. Napakapit sa sariling dibdib. Kabog ito nang kabog. May sakit na rin yata ako sa puso. Napangiti ako sa sarili, kagat labing tinignan ko ang text mula sa hawak na cellphone. Text niya iyon, pa alis na daw siya. Yung mga bilin niya h'wag ko daw kakalimutan. "DON'T FORGET TO LOCKED THE DOOR AND WINDOWS." dagdag pa niya sa text. With shouting capital letters. Tinitigan ko iyon. Napangiti na parang baliw. I found him sweet, sana hindi mag-bago. Sarap magkaroon ng bagong kaibigan. A kuya, mas matanda naman siya sa akin. After ko maglinis ng sarili, humiga ako sa aking kama, tumanaw sa mala- mapang kisame ng kwarto ko. Saan kaya dito ang Russia? Siguro kailangan nang palitan ito, magkano kaya ang gagastusin ko? May butas ang bubong kaya ganyan, mga tulo 'yan ng tubig na natuyo kaya nagbakat-bakat. Hindi ma-alis sa aking mga labi ang ngiti. Natulog akong siya ang nasa isip. *** "One hundred forty, sir." Ini-abot ko ang sukli sa babaeng bumili ng kanyang kakainin dito sa convenience store. Inayos ko ang kaha ng pera, in-audit ko 'yon kasama ang inventory na ginawa ko kanina. Para maibigay sa susunod na ta-tao dito. Siya ang mag-re-report kay boss intsik na si Chico. Nag-inat-inat ako ng likod. Matatapos na ang shift ko ngayon gabi. Hinihintay na lang si Mira na pa-palit sa akin. *** Friday ngayon at magsisimba ako sa Quiapo, hindi ito ang unang beses na magsisimba ako doon. Minsan si Mira ang kasama ko. Tinuruan niya ako kung saan sasakay at anong sasabihin sa manong driver. Sa una, nakakapanibago pa at nakakatakot. Ilan pa lang naman ang napupuntahan ko dito sa Maynila. Hindi pa ako masyadong familiar kaya hindi pa ako masyadong nag-gagagala lalo na kung walang kasama. Bibit ang maliit na bagpack kung saan ko nilagay ang uniforme isinuot ko. Naglakad ako sa may sakayan ng jeep, may mga kasabayan akong doon din ang tungo. Maaga pa naman, wala pang ala-singko ng umaga. Kaya sana may ma-upuan pa. Pagpasok ko sa loob, umupo ako sa bakanteng upuan. Tumitig muna sa harap ng altar. I feel refreshed, maybe because of him. Kaya gusto kong pumunta dito. Hindi pa ganoong ka-tao sa loob ng simbahan. Nagsisimula pa lang dumami ang mga tao. Maya-maya mapupuno na din ito. Huminga ako nang malalim. Lumuhod sa baba ng upuan. Pinagsalikop ang mga kamay ko. Ipinikit ko ang mga matang nanalangin at nagpasalamat sa itaas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD