Chapter 3

2245 Words
"Bakit ka dito sa Pilipinas nag-stay?" tanong ko sa kanya habang kuma-kagat sa Jollibee burger ko. Tinutoo nga ni Chico na samahan ako ngayong gabi. Kasalukuyan kaming kumakain sa lamesa na nasa loob ng store. "Galit Angkong sa 'kin, gusto kasal sa 'di mahal. Panget Melisa 'di ko gusto." He make faces while saying the name of that girl. Napa-tawa ako nang malakas. Chinese tradition nga talaga! Tsked! Gwapong-gwapo din 'to sa sarili eh, no? Kawawa naman 'yung Melisa. Kung makalait itong si intsik akala mo sobrang gwapo. "Eh, bakit si Mira?" tinignan ko ang magiging reaksiyon niya. Bigla siyang na hinto sa kinakain at na pa-nganga. "Maganda naman siya, ang dami ngang nagkaka-gusto d'un. S'ya na lang kaya ligawan mo," biro ko pa sa kanya. Kumagat sa burger ko na kinakain. Matagal ko na napapansin iba ang tinginan nitong intsik na 'to sa babaeng 'yun. Naku! Sayang nga lang may boyfriend na 'yun. Tsk! Tsk! "Oo, . . . " Sagot naman nitong pa bulong, halos 'di ko na narinig sa sobrang hina. Kung hindi lang siya tumango hindi ko mababasa buka ng bibig nitong intsik na 'to. Napalingon kaming dalawa nang tumunog ang chime, hudyat na may pumasok na costumer. Agad naman naming binati iyon. Medyo na hirapan lang ako sa una dahil sa gulat. Nanlaki ang mata ko. Muntikan ko na masubo nang buo ang hawak kong burger sa biglang pagkataranta. Bakit siya nandito? Ah, eh 'di bibili, ano pa nga ba, tindahan 'to, eh!? Tsk! "Good evening, Sir!" magalang na bati ni Chico. "Good evening, Si-sir!" patikhim kong bati. Nilunok ang bara sa aking lalamunan. Sana hindi halata! "Sir Harold, oy, kain!" tuma- tawang aya ni Chico, minu-westra pa ang mga daliri na sumusubo habang naka-nganga. "Sige, thanks!" wika nang dumating sabay tingin sa akin. Napaayos ako nang upo. Nilunok ang laway kahit nanunuyo naman ito. Nahihiya akong tumayo, pumunta sa storage room para maghugas ng kamay. Gosh--- ba't ba ako kinakabahan? Tinagalan ko pa para kung may bibilin man siya, si Chico na muna a-attend sa mga kailangan niya. Nagligpit ako sandali, nag-toothbrush. Nang wala na ako marinig na boses na nag-uusap, lumabas na ako. Pero na gulat ako nang makitang naka-upo pa rin doon ang lalaki. Busy sa pagtitipa sa kanyang cellphone. Bakit hindi pa ito umaalis? Pumunta ako sa mga tinapay at nagkunwaring ina-ayos ang mga na ayos ko nang tinapay. Hinanap ng mga mata ko si Chico. Pero wala siya. Tahimik ang buong store, maliban sa tumutunog na music sa speaker. Ba? missing in action? Wala pa namang twelve, ah? Nine-twenty pa lang. Na saan kaya 'yun? Tinignan ko ang oras sa pambisig kong relo. Na ka-rinig ako ng matakas na tikhim. Nilingon ko siya. Naabutan ko siyang titig na titig sa akin. Ayan na naman mga titig niyang hinahagod ang kabuuan ko. "May binili lang si Chico sa kabila, ka-kamusta ka pala? Akala ko 'di. . ka papasok ngayon?" mababang boses niyang saad. Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Bakit nauutal siya? Ah, baka wala lang maisip na sasabihin! Kaya na-uutal. Naglakad ako sa counter. Nagpunas-punas doon. Para may magawa naman. Alam kong sinu-sundan niya ang bawat kilos ko. Nakakaramdam ako ng init sa katawan ko. Luh? Tagusan ba mga titig niya? "Okay, sayang din kasi kikitain ko ngayong araw. Okay naman na, wala na sigurong pupunta dito na lasing." tumatangong sagot ko, na katalikod ako sa kanya. Patuloy pa rin ako sa pagpupunas. Kung pwede lang hindi humarap sa kanya gagawin ko. Ilang sandaling walang nagsalita sa amin. Kaya naman pa-simple ko siyang sinulyapan. Nahuli ko siya na nakatitig din sa akin. Nginitian ko na lang siya nang pilit at tipid na tipid. Nakasuot siya ng puting t-shirts, kakki short at slippers. Simple lang pero bakit ang. . . Gwapoo! Siguro madami siyang girlfriends. Mukha din kasing mayabang. . este, mayaman! Maputi, maganda ang katawan, kotse pa niya y'ung itim na naka -park sa gilid ng store namin. Ano kaya feeling maging girlfriend nito? Siguro laging busog, nakakagutom kasi siya. Whaaaaaat? Aaliyahhh! Molly goolly ka. "Ahhh, Miss Aaliyah paki- naman ito, oh. Thank you!" nilagay nito ang bote ng coke, isang potato chips at isang box ng condom. Agad ko naman iyon kinuha para i-punch sa counter. "Yes, Sir!" Wow, Aaliyah lakas maka-sub niyang. . . yes sir, yes sir mo, ahh? "Total of-- ahh, three hundred twenty two and fifty cents po, Sir." inabot niya ang isang libo habang pinagmamasdan ako. Ang bawat galaw ko. Nakangiti siya habang nagmamasid. Nakangiti? Bakit? Ako ba pinagtatawanan nito? Ako? "Here, Sir." kunot noo ko siyang tinignan bago iniabot ang sukli niya. "Thank you!" "Don't be too formal, Aaliyah. Just call me anything you want. Ah, just Harold." Ano daw? Napakamot na umalis siya sa harapan ko. Umupo doon sa upuan sa gilid ng store. Habang ako ay tulala. Iniisip ang sinabi niya. Namamanghang tinagilid ko ang ulo ko. At ano daw? 'call me anything you want.' Baliw, amp! "So, how's your day Aaliyah?" nagulat pa ako nang bigla siyang magtanong. "Amm! O-okay naman Sir, Harold. Kasama ko si Chico, sa-samahan daw niya ko 'till twelve." nginitian ko siya habang sumasagot. "Ang tagal naman yata nu'n?" sumilip ako sa labas ng store, wala nang masyadong dumadaan maliban sa mga sasakyan at ilang mga nag-aabang nang masasakyan. "He said, he's gonna buy something, taga saan ka ba? I mean taga Manila ka ba talaga o sa province?" he asked while drinking his drink. "Taga Pangasinan po talaga ako, nagpunta lang dito sa-- para magtrabaho," saad ko habang chine-check ang fridge ng mga ice creams. Busy-busy-han lang girl? "Sorry ha, madami ako tanong. But okay lang bang mag-usap tayo kahit may ginagawa ka? I mean ku-kung pwede ba 'ko dito? May hinihintay kasi ako wala pa yata, matatagalan pa." tumawa pa siya nang mahina na parang nahihiya habang sinasabi. "Okay lang Sir, para 'di na rin po ako mainip." Talaga lang, ah? Nilingon ko siya at na kitang na ka-titig siya sa bawat galaw ko. Na pa-iwas ako nang tingin. "Hmmm. How old are you? Ilan months ka na dito?" Harold asked. "Mag-se-seven months na, Sir. Twenty-two na rin po ako." So curious, huh? pero ba't na gustohan kong kina-kausap niya ako? "Hindi naman pala nagkakalayo mga edad na 'tin twenty-five na ako. Kaya pala ngayon lang kita na kita. Last time kasi lalaki pa pang-gabing na ka-duty dito." nag-iisip na wika ni Harold. "Hmmmm. Ikaw, Sir madalas ka ba dito?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa pang-apat na upuan. May bakanteng-dalawa sa gitna namin. "Before -- kasi halos kakauwi ko lang galing U.S. pero before, yeah." Mas gwapo pala ito sa malapitan. Ang kinis ng pez! Manipis pa ang mga labi na mamula-mula. "Hmmm." Y'un lang ang na sagot ko, wala nang masabi pa sa kanya na titig na titig pa rin sa akin. Gosh! Huwag kang ganyan tumitig. Nakaka-kaba. "So, Aaliyah may. . .may boyfriend ka na ba? May magagalit ba kung lagi ako pumunta dito? . . Su-sure naman na, 'di si Chico ang boyfriend mo, 'di ba?" OMG! Hindi ba pag-tinanong ka nang ganito means. . . Interesado siya sa 'yo!? "Wa-wala po, Sir." Umiwas ako ng tingin dahil paki-ramdam ko kasing. . .kasing pula na ng toyo ang mukha ko. Wha--what? Tanga pula ba y'un, Aaliyah? Tsk! Nag-usap pa kami nng mga kung ano-ano. Nalaman kong malapit lang dito ang office ng daddy niya. Yuong Car San'tiage Dealership shop. Mga sikat na sasakyan ang mga bine-benta doon. May foreign cars and luxury cars. May mga lokal-commercial cars din pero mas kilala sila sa mga mamahaling cars. Kaya pala ang ganda ng sasakyan niya. Wow, yayamanin! Meron daw silang restaurant at resto-bar. Ang nagmamanage naman noon ay ang kanyang ina. Tini-trained na daw siya ng daddy niya para sa pag-ma-manage ng business nila kaso wala pa daw ito sa isip niya talaga. May mga investment naman daw 'to, silang magbabarkada ang magkakasosyo. Mga bar at gyms. Ahhh, kaya pala magaganda mga katawan nila at pa lagi ding umiinom. . ahh, eh, 'di wow! Siguro, madaming chick's ito d'on!? Nagkuwento din naman ako, siyempre. Hindi lang kasing mangha ng sa kanya. Tungkol lang sa mga pinagdaanan ko sa buhay, sa school at mga magulang ko. Habang nagkukuwento ako, alam kong nakikinig lang siya ng mabuti. Very attentive and curious. Masarap siyang kausap. Nawala na ang nararamdaman kong hiya sa lalaki. Nagtatawanan pa kami sa tuwing kinu-kuwento ko y'ung mga alagang manok at baboy nila nanay. Gusto niya raw makarating doon. Sumali sa mga barangay games, tapos kaming dalawa daw ang muse at escort. Ohh, 'di ba? Grabe ka, Sir. Sobra kung makapagplano, eh. "Bakit kaya wala pa si Chico, no? Hala, baka ano na nangyari d'un!?" natatarantang tanong ko, kinuha ko ang cellphone at tinawagan ko ang kaibigan. Sumagot naman ito sa pangalawang ring. "Helloo? May problema ba?" sagot nito. Naririnig ko pa sa kabilang linya ang pina-panuod niya. 'tong lalaking 'to, 'di man lang nagpaalam na uuwi na. "Bakit 'di ka man lang nag-sabi? Akala ko na pano ka na." may konting tampong tono ko. "Hmmp, ang sabi ni Harold siya na daw bahala sa 'yo. Pagbalik ko d'yan kanina busy na kayong nag-uusap kaya hindi ko na kayo in-istorbo pa," sabi niyang ngumu-nguya sa kabilang linya. "Sige, sige na nga manuod ka na, byee!" umiirap ako sa sagot ko. Malapit na matapos ang pang gabing duty ko, hini- hintay ko na lang si Mira. Nag-text ito na medyo mala-late dahil may daraanan pa. Andito pa rin si Harold, kanina pa kumakain. Kaka-ubos lang naman niya ng isang buong pizza. Kinain pa niya ang tira ko. Na gulat ako sa ginawa niya. Hindi man lang nandiri sa kinagatan ko. Sa laway ko! Mag-aalas singko na nang dumating si Mira. May dala siyang madaming supot. Gumawa pala ng mga maibebentang meryenda. Sandwiches at palitaw. Kailangan kasi niya ng pambayad sa kanyang apartment, kalalabas lang din ng kanyang ina sa hospital. Kaya extra kayod ito para sa pambayad ng upa sa bahay na tinutuluyan niya. Tinignan ko y'un isa-isa. Kukuha ako kahit dalawa lang. Tanghalian at meryenda ko na mamaya. Tumayo din si Harold. Tinignan ang mga naka-tub na kakanin at naka-sip lock na mga sandwiches. "Mag-kano lahat nang 'to? Ako na bibili para agad mo maubos." nagka- tinginan naman kami ni Mira, sabay pang nag-pasalamat. "Thank you talaga sir Harold, ah. kailangan ko kasi talaga 'to. Dalawang buwan nang 'di ako nakaka-bayad ng upa, baka palayasin na nila 'ko." sabi niya habang ina-ayos ang mga pagkaing binili para ibigay kay Harold. Aalis na kasi kami. Oo, nag-sabi ito na ihahatid ako, naka-kapag-taka na nga. Siguro wala lang siyang magawa. Ngayon ko lang siya na kilala pero alam ko nang mabait siya. Sana hindi siya mag-babago. "D'yan mo na lang ihinto sa tabi. Delikado kasi car mo dito sa lugar namin." Madaming tambay dito kahit maaga pa. Sama mo pa mga batang naglalaro sa kalsada. Nakikita ko na nga mga mata-tandang babaeng nagkakandahirap sa paglingon sa aming kinaroroonan. May mga hawak pang walis, tasa, yung iba na bitin sa pagkagat ng kanilang tinapay. "Dito ka na lang. Huwag ka na bumaba." Inabot ko ang gamit ko sa likod ng upuan ng kotse niya. Akmang bu-buksan ko na sana ang handle nang. . . "No. Saan ba bahay mo dito? Ihahatid na kita." tini-tignan nito ang buong paligid. "Safe ka ba dito?" tanong niyang naka-kunot ang noo. Sa unang tingin nga naman nakaka-takot mga itsura ng mga kapitbahay ko. Mala-gangster ang mga get-up. Minsan haharang pa sila sa daraanan mo pero mangangamusta lang naman sila kahit na minsan nakaka-ilang pa rin kasi talaga. Dikit-dikit ang mga bahay dito. Ang mga wire ng kuryente dito ay buhol-buhol. Ang mga batang ay nagkalat sa lansangan. Mga tambay na inom ang inaatupag, Ke-aga-aga. At mga walang mga pang-itaas na damit, mababang mga salawal na halos labas na ang hiwa ng puwet nila. Minsan pa nga may mga nag-habulan pang pulis dito. Dayo lang naman daw y'un lalaking hinahabol, pero dito siya tumakbo para mag-tago. "Banda doon pa, sa may green na gate. Y'un may tindahan," turo ko. Kulit talaga! Pag na gas-gasan kotse nito wala ako kasalanan, ha!? Bumaba na 'ko, sabi ko sa kanya na wag ng bumaba pero makulit talaga. Sumama pa sa akin hanggang sa taas. Asa second floor kasi ang apartment ko. May tatlong apartment sa ibaba. Tapos sa second floor naman ang sa akin. Y'un kabilang side mga bed-for-rent lang. Anim yata sila d'un. Doon din sana ako u-upa ayaw lang nila nanay. Mas magiging komportable daw ako kung mag-isa lang. "Sir, ah Harold, pagpasen-siyahan mo na. . . apartment ko, ah? Mainit dito, ikaw kasi sinabi ko nang huwag ka na sumama." naka-busangot na saad ko. Kunot noo naman ito habang nililibot ang mga paningin sa buong paligid. Nandidiri kaya siya? Siya naman pilit sumama eh, 'di ba? "Pasok na tayo, para kasing may artistang dumating sa dami ng mga audience mo." natatawang biro ko. Ang dami nang naka-tingin sa amin. Kahit sa kabilang unit naglabasan na. Tinatanaw ang bagong salta sa aming lugar Well, hindi mo naman sila masisi. Gwapo naman talaga 'tong kasama ko para ngang isang model sa isang porn site. Napatawa ako sa sarili. Tumingin naman sa akin si Harold na may pagtataka. Na palakas yata ang tawa ko? s**t! Kaw kasi self kung ano- ano mga iniisip mong kalaswaan. Hay! Self. Have him. Este . . . BEHAVE! Diyosmiyo marimar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD