Ilan kanta pa ang isinayaw namin, nagparty party kami dito nagsayaw ng mga ramdom songs. Nakisaya din sila tita sa mga kaibigan ko, nakikigulo din sila pati na rin sila nanay at tatay. Mas lalo naging kompleto ang nararamdaman kong saya ngayon dahil nakikita ko na masaya ang lahat ng mga taong nandito. Lahat ng mga taong pinahahalagahan ko. Masaya kaming nagkukwentuhan nila Selene, kinukwento nila kung paano daw na plano ang lahat ng ito. Sinabi niya na sinuggest niya kay Harold na tuloy kasal na kagaya ng ginawa nila noong sila ang ikasal ni Gio. Pero umayaw daw si Harold, mas gusto niya daw na sabay namin dalawa na planuhin ang lahat. Gusto niya daw every single details ng magiging kasal namin ay may parte siya at ako. How sweet, 'di ba? Iyon din naman ang gusto ko. Kahit maganda ang

