Kinabukasan pinasyal namin sila dito sa Manila. Pinag-day off ako ni Chico, ni-request din ito ni Sabel kaya naman ito, maaga pa lang nandito na kami sa Manila Ocean Park, sa MOA at sa bagong linis na Manila Bay . Hindi ko alam na kasama pala namin si Harold ngayon. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya, pero magtataka pa ba ako, closed na closed sila ni Sabel. Baka nga usapan na nila ito, na plano na nila kaya bago pa man kami makaalis kanina sa hotel na 'yon dumating na siya. At tinanong kami kung ready na daw ba kaming lahat, iba din ang sasakyan na dala niya isa itong van, iba sa mga alam kong sasakyan na ginagamit niya. Siya na halos ang nagaasikaso sa pamilya ko. Iniintindi niya sila at inaalagaan. Sobrang attentive siya sa mga ito. Nakakahiya na nga, nagmukha na siyang driv

