"Iha, maupo ka na may paguusapan tayo," tawag sa akin ni mommy, tinuro niya ang upuang kaharap sa kanya. Gaya ng dati malamig pa rin ang boses niya sa akin na para bang gusto niya ako kausapin na hindi. Napipilitan lang kumbaga. Nandito kami ngayon sa may garden. Hinintay ko sila na kausapin ako kagabi habang kumakain kami ngunit wala naman silang sinabi. Si daddy lang ang madalas kumausap sa akin. Tinanong ako kung anong mga gagawin ko habang wala si Harold. sinabi ko na balak ko bumalik sa convenient store pero ayaw ni Harold. Inismiran ako ng mommy niya dahil doon. Napagusapan na kasi namin ni Harold noon na hindi na muna ako magtatrabaho habang sinusubukan namin magka-baby. Alam ko matagal na kaming kasal, at wala pa rin. May sakit sa part ko iyon. Araw-araw kong pinagdarasal na dum

