Naiiyak ko siyang niyakap nang mahigpit. Ayaw ko siya pakawalan baka bigla na lang siyang mawala. Kung panaginip ito, sana h'wag muna ako magising. Tagal ko na ini-magine ito na mangyari ang mayakap at makita ko siya. Kahit nga sa mga palabas sa TV na i-imagine ko na kami ang bida na sweet sa palabas. Ganoon ko ka-missed ang asawa ko. "Harold," tawag ko sa pangalan niya na parang isang batang ayaw mawalay sa nanay niya, sa akin naman sa asawa ko. "Sobrang missed yata ako ng asawa ko, ah?" biro niya sa akin na ibinalik ang mahigpit kong yakap sa kanya. Inilubog niya ang ulo niya sa buhok ko. Narinig ko ang pagsinghot niya doon. "A-akala ko, akala ko . . hindi ka pa uuwi," humahagulgol ko nang saad. Nilamukos ko ang damit niya sa kamao ko habang nilulubog ko ang mukha ko sa dibdib niya.

