Buong tanghalian siyang masayang inaasikaso ni mommy. Tahimik lang naman si daddy at Harold na kumakain. Hindi pinapansin ang mga usapan nilang pa girly at mostly sa mga trends ngayon at sa susunod na taon. Plus ang plan nila this coming Christmas and New Year. Kawalang gana kumain kapag ganito makikita mo. Para akong nasa isang live show na new trends ang topic. Mala, keeping up with the Kardasian ang tema, halos lahat na yata kasi na pagusapan na nila. "Gusto mo pa, ipagbabalat kita?" tanong ni Harold hawak ang malaking serving spoon ng chili garlic na malalaking hipon. Tumango lang ako sa kanya kahit halos walang bawas ang pagkain ko sa plato ko. Siya lang ang lagay nang lagay sa plato ko. Ramdam niya rin siguro na hindi ako masaya ngayon sa nangyayari. Bumuntong hininga siya na kum

