Last day na namim ngayon dito sa resort. Susulitin na namin. Kaya kahit na masakit ang ulo namin maaga pa rin kami gumising. Salamat sa anti-hangover med ni Larry, no more pain kami. Kaya ready-ing- ready kami ngayon. Isa sa mga plano ni Selene ang snorkeling, kaya ito, may mga instruction na sinasabi sa amin. Lalo na sa mga kagaya kong first time. Hindi na ito bago sa iba, pero ginagawa pa rin nila mag-take ng mga extra precautions and re-explaining. Para sure. Dahil wala ako ka alam- alam sa mga ganito, hindi ako handa. Nagulat na lang ako na hindi lang pala basta rash guard and isusuot. Tahimik ako habang naghahanda sila. Habang sinasabi ang dapat na gagawin. Maya-maya, may ibinigay sa amin na isang bagpack. Nandito lahat ng gagamitin. Nagulat ako na pati ang susuutin ko nandito. Kasy

