Hanggang sa pagpasok namin sa lift. Iba ang itsura niya. Hindi na rin siya lumalapit sa akin. Nasa likuran ko lng ito, rinig na rinig ko ang mga mabibigat niyang hininga. Hindi ako umimik. Nakikiramdam lang din sa mga kilos niya. Nakikita ko siya sa stainless na pader ng elevator. Nakayuko lang siya, malalalim ang iniisip. Naka-tingin sa paa niya na nilalaro ang sahig. Ang mga braso niya ay nasa kanyang bulsa. Hanggang sa paglabas namin ganoon pa rin siya. Nauna ako lumabas, akala ko hindi niya hahawakan ang kamay ko gaya ng lagi niyang ginagawa. Kaya napangiti ako ng kuhanin niya ito at pinagsalikot sa kamay niya. Tinanong namin sa nakasalubong namin kung nasaan sila. Tinuro niya na nasa pool area daw silang lahat kung saan kami tumambay kahapon. Nagtungo kami doon. Na-gu-guilty ako dahi

