"Cheers," sabay-sabay namin saad. Itinaas namin ang aming mga baso. Sabay-sabay namin tinungga ang lahat ng laman ng kanya- kanyang baso. Paggising ko kinabukasan masakit ang ulo ko. Kaming tatlo pala, parang ang bigat ng ulo ko, pumipintig ito at parang gusto kong maduwal. Ayaw ko gumalaw baka mag-suka ako. Parang ayaw ko tumayo sa higaan. Nilubog ko lang ang ulo ko sa malambot kong unan. Matutulog pa ako, ayaw ko pa bumangon. Konting oras pa, five minutes pa. . . "Hmmm," napa-ungol ako ng may marinig na mga kaluskos. Ang sakit sa tenga. Ang iingay. May taong natutulog, eh. "Ate Aaliyah, gising ka na. Kumain ka na daw sabi ni kuya Harold, tanghalian na." Sabi ng bubuyog sa tenga ko, pinalo ko ang kamay niya na niyuyugyog ako. Gusto ko pang matulog bakit ba? Hindi ko siya pinansi

