Napatili ako sa bigla. Lumubog kami sa ilalim ng tubig. May kalaliman din ito, nasa 8 feet ang tinalunan namin. Kung hindi ka marunong lumangoy doon ka lang sa mababaw. Dito kasi malapit ang machine na ginagamit nila para umalon ang malaking pool na ito. Kaya malakas ang alon banda dito. Napabitiw ako sa kanyang leeg. Nagkahiwalay kami dahil sa alon, pag angat ko naman saktong malakas na alon ang humampas sa akin dahilan para mapa-ilaim ako at mas lalong mapalayo sa kanya. Kumawag-kawag ako sa tubig. Humugot ako ng hangin. Napaubo ubo ako dahil doon. Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa tagiliran ko. Hinila niya ako kung saan. Niyakap niya ako sa aking bewang. Habol-habol ko ang hininga ko. Pinupunasan ko ng aking kamay ang mukha ko. Naghalo na yata ang sipon at laway ko. Pero wala

