Pina-linya na kami ng baklang coordinator nila Selene. Lahat ng mga kasama sa entourage tinawag nila isa- isa para masiguro na kompleto na kami. Konti na lang naman ang kasama sa entourage, ilang piling mga ninong at ninang. Mga dalawang pares ng flower girls and ring bearers.At kaming limang pares ng mga abay. Kaming mga babae ay naka-suot ng old rose na gown may slit ito sa isang hita, pa ekis naman ang sa likod nito. At slippers na bulaklakin terno kaming lahat. Dahil sand naman ang lalakaran, hindi pwede mag-heels. Pare-pareho din kami na may mga head dress na bulaklak sa aming mga ulo, terno ng mga bulaklak ng mga lalaki sa kanilang dibdib. Ang mga lalaki naman ay gwapong-gwapo sa mga suot nilang suit. Nilingon ko ang katabi kong may kausap na matandang sponsor sa kasal. Ang gwapo

