Chapter 26

3009 Words

"Aahhhh!" Malakas na sigaw ko. Nagpumiglas sa pagkakayakap sa akin. Kamuntihan ko pang ipalo sa kanya ang hawak na mop. Napahawak ako sa dibdib nang makawala. Hinahabol ang hininga ko sa sobrang takot. Tumawa siya nang tumawa. Nag-peace signed at pinulot ang na i-hagis kong mop sa sahig. Mabuti na lang hindi ang timba ang natapon. Kung hindi, ipapalinis ko talaga sa kanya ang kalat na kagagawan niya. "Na sobrahan ka na yata sa kape, sis!?" Tawa pa rin siya nang tawa. Itinabi niya ang mop sa may pader. Iniabot sa akin ang dala niyang supot. Padabog kong kinuha 'yon nang 'di ko tinitignan. Lumakad ako sa counter. Nakabusangot ko siyang tinignan. "Bakit ka naman kasi nanggugulat d'yan?" Pa-galit kong tanong sa kanya. Na aalala ko tuloy 'yong lalaki kanina. Ano na nga ulit pangalan niya?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD