Mahina ako napatawa at napapailing sa kalokohan nila. "Sabi ko sa 'yo nandito 'yan, eh" rinig kong sabi ni Larry. "Magtataka ka ba? Baliw na baliw, eh. Dakilang stalker." Baling naman ni Gio. "Umalis na nga kayo! Sino nagbabantay sa bar?" Inis na sagot ni Harold. May mga narinig pa akong murahan. Tinapos ko muna ang ginagawa bago lumabas. Mula dito sa storage door matatanaw mo sila. Ang tatangkad ba naman kasi. Nag-a-ambahan sila ng mga suntok. Lumakad na ako papalapit sa kanila. Lumingon si Gio, tumango ito saka liningon muli ang kaibigan. "Oh, Hi, Aaliyah! How you doing?" Lumapit siya sa akin. "Naalala mo pa ba ako, right?" Tumango ako. Natawa sa pagkindat niya. Masama naman s'yang tinignan ni Harold. "Kapag ikaw ginigulo nitong lalaking 'to saksakin mo ng straw sa ilong para

