Chapter 19: Her Smile

1336 Words
MIKA "HAHAHAHAHAHA! Ganto, hinawakan niya yung wrist ano? tapos HAHAHAHAHAH bumwelo pa siya I like .... I LIKE YOUR SHOES! HAHAHAHAHAHA!" naririndi na ako dito kay Ara, jusko kinukwento niya kasi kay Den yung nangyari dahil umalis na din ito agad. Actually silang dalawa lang ang may alam ng feelings ko, kasi pag madami ang nakakaalam baka bukas makalawa nakarating na kay Rad diba? Ayoko naman ng ganun. "Tigilan mo na ako please." naihilamos ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. "Ang hina mo talaga." sabay bato ni Den sa akin ng notebook. Close na kami ulit ni Den, I mean no more feelings na talaga, as in friends na friends. "Oo na." sagot ko at nagpangalumbaba na lang, haaay. "Uyy love may kasunod pa." natatawang sabi ni Ara habang kinakalabit si Den. "Ara tama na." sabi ko dito dahil sobrang nakakahiya. "Alam mo ba sagot ni Chel?" "Hindi. Nandun ba ako ha?!" Ayan beast mode na si Den. "KJ mo." sabay bato ni Ara ng unan kay Den. Matatawa ka na lang din sa kakulitan nilang dalawa. Hanep si Ara, hindi siya takot kay Den haha. "Oh ituloy mo na." "Sagot sa kanya ni Chel, baliw ka, sapatos mo to eh. Oh diba? Sobrang sabaw ni Mika! HAHAHA" sobrang saya po ni Ara dahil sa kahihiyan ko ngayong araw. Nakalimutan kong nilabhan nga pala niya ang sapatos niya kaya hiniram muna niya ang sapatos ko, walang amoy yun ah, twice ko pa lang din nagagamit. "Tama na huy!" pag saway ko sa kanya. Namumula na ako sa kahihiyan. At dahil napakabuti niyang kaibigan ay pinatugtog niya pa ang torpedo ng eraserheads at sinabayan pa.  Pasensya na kung ako ay Di nagsasalita Hindi ko kayang sabihin Ang aking nadarama  Huwag mo na akong pilitin Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi Walang dapat ipagtaka Ako ay pinanganak na torpe Sa ayaw at hindi  Pinalakpakan ko siya na para bang galing na galing ako dahil napakalupit niyang kumanta. Nakakainis, tumpulan nanaman tuloy ako ng tukso. "Hoy Mika, pag ikaw talaga naunahan iiyak ka tamo." sabi ni Den kaya napabuntong hininga na lang ako. "Hindi ko kaya." sagot ko. "Alin?" "Sabihin." napakamot na lang din ako sa batok ko, penge lakas ng loob oh. "Gusto mo ba gatas?" tanong ni Ara. "Ha? Para saan?" "Pampalakas. Baka sakaling lumakas loob mo." Nagtawanan naman sila ni Den at nag apir pa. Ang bait diba? Tumayo na ako at umalis na ng dorm ni Ara, wala naman akong mapapala doon. Nagtext naman si Jovs at puntahan ko daw siya sa bar. Tanghaling tapat, nagbabar loko loko din, pero bilang mabuting kaibigan ay pinuntahan ko siya. "Problema mo?" tanong ko nang makaupo ako sa tabi niya. "Wala." "Ah kaya pala ano? Naka limang baso ka na daw sabi nung bartender." sagot ko. Napabuntong hininga naman siya at inikot ikot ang basong wala ng laman sa table, nasa may counter kami ngayon. "What is love?" tanong niya. Natawa naman ako. "Love makes the world go round." sagot ko kaya binatukan niya ako. "Aray. Di ko alam eh." dagdag ko. "I don't get it. Hindi naman uso ang love sakin alam mo yan pero hindi ko na siya matanggal sa isipan ko." sabay inom niya ulit ng inumin niya. "Pag naiisip inlove agad? Baka may utang lang sayo yun." biro ko sa kanya na ikinatawa niya. "Baka nga." ngumiti naman siya na para bang may naisip na masamang plano. "Ang creepy mo. Tsaka isa pa, wag ka nga uminom, babagal lang takbo mo niyan." pag saway ko sa kanya. "Wala na kasi akong klase, san ba punta mo?" tanong niya. "Sa coffee shop, part time job ko." ngiti kong sagot. "Tara na, libre na kita kape nang magising naman yang systema mo." dagdag ko.  Nagtungo na kami ng coffee shop at dahil nga magkaiba na kami ni Rad ng schedule ay tuwing monday at weekends na lang kami sabay umuwi, lagi pa din 12 am ang uwi ko, dahil may training pa din naman kami. Maigi na din na maaga ang uwi ni Rad para naman makapagpahinga siya. At dahil si Jovs ang captain ng FEU WBT ay dinumog nanaman ang coffee shop. Yung mga dumadaan kasi na napapatingin sa kanya ay pumapasok sa shop at umoorder para makapagpapirma kay Jovs. Nagstay siya sa coffee shop hanggang matapos ang shift ko at niyaya akong maglakad lakad muna. Nang mapagod naman siya ay naupo kami sa may gutter, tambay ang peg. "Tagal din natin hindi nakapag usap ng matino noh?" sabi niya. "Oo nga eh, lagi kang MIA, ano ba inaasikaso mo ha?" tanong ko. "Wala naman, maliit na bagay lang. Kwento ka naman." request niya. "There's this girl who captured me." nakangiti kong kwento. "Sino? Pakilala mo naman sakin." "Saka na pag nasabi ko na sa kanya." nahihiya kong tugon kasi sa aming 5, ako lang ang hindi marunong dumiskarte. "Describe mo naman." "Her eyes were something, na pag tumingin ka sa mga mata niya, malulunod ka. Matangos yung ilong niya, yung labi niya perfect. Pero pinaka gusto ko yung ngiti niya." kwento ko habang iniisip si Rad. "Yung ngiti niyang pag nakita ko, masaya na din ako, na para bang battery ako na nafull charge kahit isang ngiti lang. Alam ko na sobrang korni pero gustong gusto ko makita siyang masaya palagi." Ginulo naman niya ang buhok ko at umakbay sa akin. "Sabihin mo na sa kanya. Ikaw talaga." "Susubukan ko." sagot ko. Nanatili pa kami dun ng ilang minuto bago kami umuwi. Nadatnan ko naman si Rad sa may lamesa na nag aaral pa. "Coffee gusto mo?" tanong ko, ipagtitimpla ko sana siya. "Ah hindi na, nag advance study lang ako, hinintay lang talaga kita makauwi." sagot niya at nginitian ako. Hinintay niya ako makauwi. Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. "Good night Baby tams." sabi niya at tumungo na sa kwarto niya. "Good night queeny." sagot ko at sumalampak sa sofa. Hindi naman ako nagkape pero bigla ata akong nagpalpitate sa sinabi niya. ----- Masaya akong nagluto ng agahan namin, maganda kasi ang tulog ko. Bumaba na din si Rad at ngumiti sa akin. Iba na din ang suot niya sa pagtulog, jersey ko na, maigi na din para hindi ako namomroblema sa umaga lalo na pag tinotopak siya. "Rad, gusto mo ba magbaon ng lunch?" tanong ko. "Ano bang ulam?" "Corned beef at ham" "Yung ham na lang baon ko." saad niya kaya yung corned beef ang hinain ko sa kanya for breakfast. Habang kumakain kami ay bigla siyang tumitig sa akin. Kaya binigyan ko siya ng 'bakit' look. "Wala ka pa bang nililigawan ngayon?" tanong niya at nabulunan ako kaya agad niya akong ikinuha ng tubig. "W-wala eh." sagot ko at muling uminom ng tubig. "Eh nagugustuhan?" at dahil don ay naibuga ko yung iniinom ko. "Ang baboy naman Ye, meron noh? Pakilala mo naman, para naman akong iba sayo eh." "Pano kung sabihin kong ikaw?" There's a moment of silent between us, kapwa nagsusukatan ng tingin, tinitignan kung sino unang iiwas. "Joke lang." pag bawi ko. Ang awkward na kasi. Pero ahhhhhhh!!!! Sayang! Ayun na eh!!!! "Di rin naman ako maniniwala." binelatan pa niya ako! Aray ha. Masakit yung hindi ka paniniwalaan. "Bakit naman?" "You're too good for me. Alam kong hindi ako ang tipo mo." simple niyang sagot. "I'm not, because you're just too perfect and unattainable, hard to get." bulong ko at napabuntong hininga na lang. Will I ever get you? ***** R A C H E L I had a bad feeling, walking alone was a mistake. Napakainit ng mata sakin ng mga fan girls dahil akala nila nilalandi ko mga idol nila, ewan ko kung sino tong mga babaeng nakaharang sa daraanan ko. Sa malayo ay nakita ko naman si Jovelyn na nakangisi. Tss Nagulat naman ako nang may sumabunot sa akin. "Ilan bang players ang lalandiin mo ha?!" "Una si Gonzaga, tapos si Reyes, ngayon naman si Meneses ha?" napangiwi na lang ako sa sakit ng paghila nila sa buhok ko. "Wala akong nilalandi sa kanila!" sagot ko at umikot saka sinipa ang babae, kahit papaano marunong naman ako ng self defense. "Queen of kalandian!" "Two timer!" "Malandi!" I was trying my best to not focus on those lines pero tao lang ako nasasaktan din. "Sabihin niyo gusto niyong sabihin." saad ko, at kinuha ang bag ko. "Mata mo lang ang walang latay!" saad nung babae at pinagtulungan na nila ako. Uso pa pala to. I manage to put my defense, pero may humataw sa likod ko, pero bago ako tuluyan mawalan ng malay ay may tao akong nakitang tumatakbo papunta sa akin at sinalo ako. I'm safe. Strawberry...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD